^

Punto Mo

Matandang Tinali (113)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HINDI na ako naka­pagtimpi at sinugod ang magaling na lalaki sa table kasama ang babae. Hindi ko alam, nasa likuran ko rin pala ang isa pang babae na siyota rin nang magaling kong nobyo. Nawala na ang pagka-edukada ko at pinagmumura ang lalaking pinagbuhusan ko nang pana­hon at pangarap. Sa totoo lang marami na akong plano. Yun pala habang ako ay nagpaplano e mayroon siyang ibang dinideyt at hindi lang isa kun-di dalawa.

“Nang sugurin ko sa table, parang ibinabad sa sukang may sili ang mukha nang manlolokong lalaki. Ang kasamang babae, hindi nakapagsalita dahil sa pangyayari. At siguro’y agad ding na-realized na may kasalo pala siya sa lalaking ka-date. At hindi lang isa kundi dalawa.

“Ang babaing nasa likuran ko ay mas tigre pa pala kaysa sa akin. Sinugod ang lalaki at sinampal. Lumagitik pa ang pisngi dahil sa pagsampal. Yun lang ang ginawa ng babae at saka mabilis na lumabas ng restaurant. Ako naman, nagbalik na sa table namin ng mga dati kong classmates na umiiyak. Napaiyak ako dahil sa sama ng loob. Sabi ng mga classmate ko, dapat daw sinampal ko rin ang manlolokong lalaki. Niyaya ko na silang lumabas ng resto at umuwi na. Habang nasa daan kami, umiiyak ako. Awang-awa sa akin ang mga classmates ko.”

Tumigil si Joy sa pagkukuwento.

“Mapait nga pala ang nangyari, Joy,” sabi ni Dong.

“Mapait talaga dahil nagtiwala ako. Yun pala, winawalanghiya ako.’’

“Pagkatapos nun, wala na talaga?’’

“Wala na. Pero ang hirap mawala sa isip ko.’’

“Anong ginawa mo?’’

“Pilit kong inabala ang sarili sa maraming bagay. Tinutukan ko ang negosyo ko. Nag-enrol ako para sa master’s degree hanggang sa unti-unti kong malimutan ang pait.’’

Napangiti si Dong.

“E ikaw Dong ano namang masakit ang isi-share mo.”

Nagsimulang ikuwento ni Dong ang buhay niya.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with