^

Punto Mo

12-talampakang oarfish, natagpuan ng mga mangingisda sa Vietnam

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAMANGHA ang isang grupo ng mga mangingisda sa Vietnam nang matagpuan nila sa kanilang lambat ang nahuling dambuhalang oarfish.

Ayon kay Xuan Quy at Thanh Hoa, nangingisda sila kasama ang isa pang kaibigan nito lamang nakaraang Martes sa baybayin ng Thanh Hoa province nang matagpuan nila sa kanilang lambat ang isang napakahabang oarfish na higit sa 12 talampakan ang haba.

Ito raw ang unang pagkakataon na nakahuli sila ng oarfish sa buong karanasan nila bilang mga mangingisda, ayon kina Quy at Hoa.

Mailap kasi ang mga oarfish, na matatagpuan sa pinakamalalalim na bahagi ng karagatan. Ito ang dahilan kung bakit hindi sila karaniwang naaabot ng mga lambat at minsan lamang kung sila’y mamataan.

Pinaniniwalaan tuloy na senyales ng nalalapit na pag­lindol ang paglitaw ng mga oarfish sa karagatan. Dahil kasi sa lalim ng kanilang tinitirhan sa ilalim ng karagatan ay sensitibo raw ang mga ito sa paggalaw ng mga fault lines na sanhi ng lindol.

Sa katunayan nga, sinundan ng isang 6.7 magnitude na lindol sa Agusan del Norte ang paglitaw ng isang 10 talampakang oarfish sa kalapit na Siargao City noong 2017.

Kahit ang mga Japanese ay naniniwala rin sa kakayahang ito ng mga oarfish kaya naman “messenger from the sea god’s palace” o tagapaghatid balita mula sa diyos ng karagatan ang tawag sa kanila sa wikang Hapones.

Ang dambuhalang oarfish na nalambat ng mangingisdang Vietnamese.

vuukle comment

VIETNAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with