^

Punto Mo

Susi nang mahabang buhay

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

ANO nga ba ang susi nang mahabang buhay?  Wala namang tiyak na sagot dito maliban na lang sa iba’t ibang opinyon ng mga health at medical expert tulad ng healthy lifestyle, pag-iwas sa masasamang bisyo, laging pagpapa­tingin sa manggagamot, at iba pa.  Pero sa aspeto lang ito ng kalusugan ng katawan. Hindi pa kasama ang kapaligirang ginagalawan ng isang tao na maaaring malagay sa panganib ang kanyang buhay bukod pa sa mga sakuna at kalamidad.

Gayunman, para kay Manuel Garcia Hernandez, isang centenarian sa Ciudad Juarez, Mexico, ilan sa susi nang mahabang buhay ang mahimbing na pagtulog, pagkain ng masusustansiya, pag-inom ng bitamina, paggising nang maaga at magtrabaho.

Sinasabi sa isang wire report kamakailan na may edad na ngayong 121 anyos si Hernandez batay sa kanyang birth certificate at official Mexican ID. Ipinanganak siya noong December 24, 1896.  Tila kailangan pa itong makumpirma ng Guiness World of Record dahil, kung totoo, siya ang maituturing na pinakamatandang tao sa mundo sa kasalukuyan. Sa opisyal na tala kasi, humahawak ng titulong pinakamatandang tao ay si Masazo Nonaka ng Japan na ipinanganak noong Hulyo 25, 1905. Mas matanda siya rito ng walong taon.

Sabi ni Hernandez sa panayam, madalas na nagpapakain siya ng mga manok sa labas ng kanyang bahay bilang pampalipas-oras. Kung lagi siyang hihiga o nakaupo maghapon, magkakasakit lang siya. Meron siyang limang anak, 15 apo at anim na apo sa tuhod.  Walong taon nang patay ang kanyang asawa.  Hindi niya napapansin ang edad niya na pakiramdam niya ay 80 anyos pa lang siya. Siyam na taong gulang pa lang siya ay nagtatrabaho na siya sa bukid. Ikinalulungkot niya na sa edad niya ngayon ay hindi na siya makapagtrabaho kaya ginagawa niya ay magpakain ng manok para may pagkaabalahan siya.

     Kahit matandang-matanda na si Hernandez, mabilis pa rin siya kung lumakad, malinaw pa ang paningin  at matalas pa ang isip. Umaasa siyang mabubuhay pa siya hanggang 125 anyos. Nagsisimula ang umaga niya ng 5:30 at kumakain siya ng isang saging, apple smoothie, oatmeal at dalawang itlog bago mag-aalaga ng kanyang mga manok.

vuukle comment

BUHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with