^

Punto Mo

Mga hudas at waldas ang sinuklian ni Digong?

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

PAMBAYAD utang na loob sa pulitika ang dahilan kung bakit nakakapuwesto ang mga salinlahi ni Hudas sa administrasyon ni President Digong. Maliwanag na ang mamamayan ang nagbabayad sa sinumang italaga ng namumuno sa bansa tuwing matatapos ang eleksyon. Lumulutang ang masahol pa kay Hudas na mga political appointees kapag naglaway na ang mga ito sa harap ng bunton ng pera na parang asong ulol. Ang mga itinuturing na DDS (Diehard Duterte Supporters) na naipuwesto sa iba’t ibang tanggapan sa gobyerno ay naging bagong DDS (Dukot-Dekwat-Sikwat) na ipinahihiya si Digong. My God! Digong hates corruption! Intiendes?

Ang isyu ng pandrambong ay normal nang ginagawa ng mga malalapit na kaalyado ng mga nagdaang administrasyon, pero inihalal si Digong ng 16 million voters dahil sa kakaiba nitong estilo na nanggagalaiti sa galit sa bawal na droga at korapsyon at ipinangako nito na sa maikling panahon ay susupilin niya ang sakit na ito ng lipunan pero ang mga kinuha niyang makakatulong ang mga naging waldas at hudas sa administrasyon nito. Hintayin natin ang panggagalaiti ni Presidente!

• • • • • •

Cesar Montano at DPWH Usec. Tingagun Umpa nanlalaglag na

Naghuhugas naman si DOT Tourism Promotion Board Special Operation Chief Cesar Montano sa kinasasangkutan nitong mahiwagang gastos sa Buhay Carinderia project na nagkakahalaga ng P80 milyon at itinuturo si resigned DOT Sec. Wanda Teo na direktang may kinalaman sa maanomalyang transaksyon. Hindi ba may nauna nang kinasangkutan si Cesar Montano sa opisina nito na may naka-payroll na mga kamag-anak ito sa kanyang opisina at sobrang gastos sa isang show sa Luneta na si Montano rin ang sinisisi?

Ganito rin ang ikinakanta ni DPWH Usec. Tinganun Umpa na ang mga corrupt na congressmen at mga karantso nito sa DPWH ang may pakana ng demolition job laban sa kanya. Kung ganito ang kalakaran sa mga pinagbayarang utang na loob ni Digong, papalpak nga ang magagandang programa nito para sa bayan. Mantakin mong hinudas na ang bansa, hinuhudas pa pati mga kasama naglalaglagan na sila!

Marami na ang nasibak at marami pa ang maboboldyak ni Digong na mas maganda sana kung sampahan ng kaso ang mga Dukot-Dekwat-Sikwat at makatikim ding makulong. Yun na!

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with