^

Punto Mo

EDITORYAL – ‘Narcopulis’

Pang-masa
EDITORYAL � �Narcopulis�

BINANTAAN ni Pres. Rodrigo Duterte ang mga pulis na sangkot sa illegal drugs. Kapag nagka-krus daw ang landas nila ng mga pulis na sangkot sa shabu trade o gumagamit nito, papatayin niya. Hindi raw siya nagbibiro. “Your time will come. But I have already warned you. If you and I bump into each other, it won’t be nice… We will really be killing each other then,’’ sabi ni Duterte.

Nagtalumpati sa isang pagtitipon si Duterte sa Cebu City noong Sabado at dito niya ginawa ang pagbabanta sa mga pulis na sangkot sa illegal drugs. Karamihan aniya ay pumapasok sa ganitong illegal na gawain dahil malaki ang kinikita. Pero babala niya, mamamatay ang mga pulis na nabubuhay sa ganitong masamang gawain. Hindi raw siya nagbibiro.

Mariiin niyang sinabi na sa Cebu City mismo ay maraming pulis na sangkot sa illegal na droga. Bukod sa nagbebenta ay gumagamit pa.

Noong Sabado, isang pulis ang nahuli ng mga kapwa pulis nang maaktuhang gumagamit ng shabu sa isang drug den sa Commonwealth Avenue sa Quezon City. Bukod sa pulis, tatlong iba pa ang nahuli habang nagsa-shabu. Ayon sa mga pulis matagal na nilang minamanmanan ang bahay na ginagawang drug den pero hindi nila inaasahang ang madadak­ma roon ay isang pulis.

May mga pulis na nire-recycle ang shabu. Isang pulis Maynila ang inaresto ng PDEA nang mahulihan ng kilong shabu sa sasakyan nito. Ang pulis ay naka-assign sa drug enforcement unit. Ayon sa report, ang mga nakukumpiskang shabu ng pulis ay nire-recycle niya. Sa laki ng kita, maraming ipinagawang bahay ang pulis at maraming sasakyan.

May katwirang magalit si Duterte sa mga “narkopulis” at nagbantang papatayin ang mga ito. Dapat lang para maubos ang mga salot sa lipunan. Sa kabila na nilakihan na niya ang suweldo ng mga pulis, gumagawa pa rin ng kasamaan. Lipulin na sila!

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with