^

Punto Mo

Kandidato

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAY tatlo akong kaibigang babae na tumakbong Barangay Chairman noong nakaraang eleksiyon.

Ang unang kaibigan ay first time sumabak sa mundo ng pulitika. Sinulsulan lang siya dahil aktibo siya sa charity works. Ang sabi ng mga kaibigan, mas marami siyang matutulungan kung may posisyon siya sa gobyerno. Ang resulta ay natalo siya ng incumbent barangay chairman.

Noong panahon ng kampanya, nagkaroon siya ng ilusyon na siya ang iboboto ng mga taong kinakamayan niya dahil umoo ang lahat ng kanyang kinakampanya. Hindi pala dapat maging “asyumera” ang isang pulitikong nangangampanya. Marami pa siyang dapat matutuhan sa “world of plastic politics”. Pinalastik lang pala siya ng mga taong hinilingan niyang iboto siya.

Ang pangalawa naman ay naging kagawad ng tatlong termino saka nagdesisyong kumandidatong barangay chairman. Kagaya ng nauna, natalo siya sa kabila ng pagiging number one sa rami ng boto noong panahon ng kandidatura niya sa posisyon ng kagawad. Natalo na nga siya, kung anu-ano pang masasamang kantiyaw mula sa mga kalaban ang kanyang naririnig pagkatapos ng eleksiyon. Winner na nga sila, natutuwa pang mangantiyaw ng mga talunan. Bakit kaya may taong ganoon?

Ang ikatlo kong kaibigan ay nanalo dahil siya ang incumbent kapitana ng kanilang barangay. Bago ang eleksiyon ay kabi-kabila ang banat sa kanya ng mga kalaban sa Facebook pero dahil sanay na sa mundo ng pulitika, dedma lang siya sa mga paninira sa kanya. Sa pagkukuwentuhan namin, may nabanggit akong pamahiin na ginagawa noon ng aking mga kapamilyang kumandidato sa eleksiyon noong araw. Ibinigay ko ang procedure. Nakinig lang siya. Ginawa niya ang pamahiin at iyon, nanalo siya. Walang makakapagsabi na ang pagkapanalo niya ay sinuwerte lang o may effect ang pamahiing ginawa niya.

Hindi ko binanggit ang pamahiin sa una at pangalawa kong kaibigan dahil sa tantiya ko sa mga personalidad ng mga ito, hindi sila naniniwala sa pamahiin. Naitanong ko sa aking sarili, kung ginawa kaya nila ang pamahiin, mananalo rin kaya sila?

vuukle comment

CHARITY WORKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with