^

Punto Mo

Barumbadong lespu, sinopla ng sundalo!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

PULIS ang pangunahing takbuhan ng mga nangangailangan ng tulong. Parte ito ng sinumpaang tungkulin ng mga pulis na manilbihan at protektahan ang bayan.

Pero paano ka pa magtitiwala sa mga pulis kung ang ilan sa kanila ay hindi tapat sa kanilang serbisyo at mga abusado?

Gaya na lamang ng natanggap naming sumbong sa Kilos Pronto Online nitong nakaraang linggo. Ang inireklamo, pulis mismo! Kuwento ng menor de edad na anak ni Meluchi Fa-jardo, papauwi na siya kasama ang kanyang mga kaibigan nang masalubong ang lasing na si PO1 Redimer Bersales.

Ang putok sa buhong lespu, bigla na lang naghuramentado! Binunot ang baril sabay nanutok sa mga tao. Sa takot ng magkakaibigan, agad silang nagtakbuhan. Malas namang, ang anak ni Meluchi ang inabutan ni PO1. Sapilitan itong isinakay sa motor ng lasing na lespu at dinala sa isang tulay. Matapos hatawin ng baril sa ulo, bugbog sarado ang binatilyo. Pilit pa itong pinatatalon sa tulay dahil salot daw siya sa lipunan.

Sakto namang napadaan ang isang sundalo at sinita ang katarantaduhang ginagawa ng lespu. Si PO1 nabahag ang buntot sabay humarurot ng takbo! Duwag pala ‘tong hinayupak na ‘to.

Ang alak sa tiyan inilalagay at hindi sa utak! Iinom-inom ka, hindi mo naman pala kaya. Tapos ngayon magtatago ka?!

Kilos pronto kaming nakipag-ugnayan kay Deputy Director P/Supt. Bartolome Bustamante tungkol sa reklamo. Tugon ng Director, nakalulungkot ang mga pangyayari na tulad nito. Pero dapat lang na maparusahan si PO1 Redimer Bersales sa ginawa niyang katarantaduhan at sila na ang bahalang dumisiplina rito.

Susmaryosep! Ang mga pulis na tulad nitong si PO1 Redimer Bersales ang sumisira sa imahe ng PNP. Pero ngayong si General Oscar Albayalde na ang inyong hepe, di na uubra ‘yang mga ganyan niyong pag-uugali.

Habang kami naman sa Kilos Pronto ang tutugis sa mga abusado’t tarantadong tulad ninyo. Sukatin natin kung hanggang saan ang tapang ninyo.

vuukle comment

KILOS PRONTO ONLINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with