^

Punto Mo

VM Joy bilib sa ERCng Davao

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

BIHIRA humanga si QC Vice Mayor Joy Belmonte kung hindi talaga ito ‘perfect’ pero sa nakita niya sa Davao bumilib siya rito kaya naman gusto niyang palakasin ang emergency response capabilities ng Kyusi kaya ibig niyang gawin modelo ang kanyang Siudad para ikumpara sa nasabing province. 

Ikinuento ni Belmonte, kung kagamitan, gusali echetera ang pag-uusapan ang Kyusi ang isa sa pinakamahusay sa Philippines my Philippines pagdating sa usapang emergency respose capabilities pero lamang ang Davao sa atin dahil mas maayos ang sistema nila roon.

Ang response sa mga emergency ‘calls’ sa Davao ay isa hanggang limang minuto kaya naman nakakabilib dahil sa sobrang bilis ito.

Bakit?

May gamit sila sa kanilang 911 emergency hotline na hi-tech Emergency Computer - Aided Dispatch system na mabilis na nalalaman ang mga location ng emergency calls.

Naku ha!

‘Hi-tech nga.’

Abangan.

• • • • • •

Kapalpakan ang pagguho ng flyover sa Cavite

Sa preliminary investigation ng DPWH sa nangyaring pagbagsak ng flyover may naging conclusion dito si Secretary Mark Villar. 

Ano?

Sagot - human error daw ito ?

Ang project ay hindi biro ang halaga porke P13 million pala ito.

Kailangan tiyakin matibay ang pundasyon ng inaasemble na flyover para walang madisgrasiya madlang people.

‘Substandard kaya ang ginamit na mga materials ?’ 

Ano sa palagay ninyo ?

Sa ginawang pagbusisi ‘human error’ dahil ang girder nito ay bumagsak ng sunod-sunod kaya naman ang ika-anim ay nagka-problema sa beam ng tulay.

Naku ha !

Ano ba ito ?

Ang JBL Builders ang contractor nito kaya sila ang dapat managot at magpaliwanag.

Abangan.                                                                                                               

• • • • • •

MRT - 3, tirik tapos na ?

Ikinatuwa ng madlang people ang balitang dehins na tumitirik o pumupugak ang MRT - 3 dahil mukhang naayos na ito at alaws ng aberya.

Sabi nga, sana naman !

Ika nga, matapos na ang kalbaryo.

Bukod dito, hindi na uso sa MRT - 3 sa ngayon ang pababain ang madlang passengers nila oras na nagka-aberya ang train.

Lord, thank you !

Sana ang operasyon ng MRT - 3 ay magtuloy-tuloy na para naman hindi na mahuli ang madlang passengers na sumasakay dito sa kanilang pupuntahan.

Abangan,.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with