^

Punto Mo

93 anyos, naka-hole in one sa kanyang huling round ng golf

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 93-anyos na lalaki sa Ohio ang tinapos ang kanyang halos pitong dekada ng paglalaro ng golf sa pamamagitan ng isang hole in one.

Manghang-mangha sa kanyang nagawang tira si Ben Bender, na nagsabing marahil ay alam ng Maykapal na huling laro na niya iyon ng golf kaya biniyayaan siya nito ng isang hole in one.

Hole in one ang tawag kapag swak kaagad sa butas ang bola ng golf matapos lamang ang isang palo.

Pasok kaagad sa butas ang golf ball matapos itong hatawin ni Bender sa layong 152 yards.

Aminado naman si Bender na iyon na talaga ang huli niyang beses na paglalaro ng golf dahil habang pinapanood niya raw ang kagila-gilalas niyang hole in one ay sabay naman ang pag-atake ng kanyang rayuma.

Edad 28 si Bender nang una siyang maglaro ng golf at ngayon ay tanggap na niyang hindi niya ito mae-enjoy ng habambuhay.

vuukle comment

GOLF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with