^

Punto Mo

583 milyong pekeng FB accounts isinara

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

NAPAULAT kamakailan na isinara ng Facebook ang 583 milyong fake account sa social media site nito sa unang tatlong buwan ng taong 2018. Idinetalye sa ulat kung paanong ipinatupad ang community standard laban sa mga sexual o violent images, terrorist propaganda o hate speech.

Bukod pa umano ito sa isinagawang blocking sa milyun-milyong pagtatangkang  paggawa ng mga fake account araw-araw. Sa kabila nito, bumubuo pa rin sa 3-4 percent ng mga active account ang mga fake profile.

Naisagawa ng Facebook ang naturang mga hakbang sa pamamagitan ng improved technology gamit ang artificial intelligence at photo detection technology.

Sinasabi pa ng Facebook na meron itong natuntong 100 porsiyento ng spam at nakapagtanggal ng 837 milyong post na nakakabit sa spam sa nabanggit na panahon.

May tinanggal din ito o binigyan ng babala ang halos 30 milyong post na naglalaman ng mga sexual o violent image, terrorist propaganda o hate speech sa first quarter.

Bagaman hindi binanggit sa ulat kung saan-saang bansa nagmula ang naturang mga fake account, pinatitibay naman dito ang realidad hinggil sa pagkalat ng mga pekeng account sa Facebook. Mga account na gawa-gawa ng mga tao na naglilihim ng tunay nilang identidad dahil sa masama nilang intension.  May mga account na pinatatakbo lang ng tinatawag na mga “bot’ o tulad ng sa robot na lumilikha ng marami pang account para makapanira ng mga tao, institusyon, pamahalaan, paniniwala, relihiyon at iba pa para maitaguyod ang pansarili nilang adyenda.  Ang iba ay nagpapakalat ng mga kalaswaan na dahil batid nilang hindi ito tanggap ng marami at labag sa batas at moralidad ay kailangang magtago sa likod ng mga pekeng account para hindi sila matunton. Kaya nga kailangan ang ibayong pag-iingat sa paggamit ng social media lalo na kung may nakakaharap dito na mga estranghero o bagong kakilala.

 

vuukle comment

FB ACCOUNTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with