^

Punto Mo

Mag-ingat sa recruitment agency na ito!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KAHIRAPAN ang nagtutulak sa ating mga kababayan na mangibang bansa. Pinipiling malayo sa mga mahal sa buhay para lang kumita ng pera at may maipadala sa pamilya. Ito ay sa kabila ng kaliwa’t kanang balita tungkol sa mga kababayan nating inaabuso, pinagsasamantalahan at kung minsan pa nga ay pinapatay.

Bagay na hindi ko maintindihan sa mababantot at bastos na arabo. Pinagsisilbihan mo ng maayos pero di ka magawang irespeto bilang tao.

Tulad na lamang ng reklamong ipinarating sa Kilos Pronto ng isang OFW mula sa Saudi Arabia. Bukod sa hindi na siya pinapasuweldo, ibinebenta pa siya ng amo! 

Kuwento ng live-in partner ng OFW na si Ronnel Luberanes, 2015 nang umalis ng bansa ang kanyang asawa papuntang Saudi Arabia. Problema, hindi nasunod ang kanyang kontrata! Imbes na 2,250 riyals ang susuwelduhin, 1,600 riyal lang ang nakukuha niya!

Kaya naman matapos ang dalawang taong kontrata, nagdesisyon siya na umuwi na lang ng bansa. Pero imbes na payagan, ibinenta pa siya sa iba! Dinaya na nga, pinagkakitaan pa.

Ang problemang ito ni Ronnel, inilapit na rin niya sa kaniyang agency. Pero ang OTG International Placement Agency, wala raw paki! Matapos kumubra ng kuwarta, kalimutan na! Walang pinagkaiba sa mga dorobong pera lang ang habol.

Palusot ni Doris Montalban na Recruitment Specialist ng ahensiya, hindi nakikipag-ugnayan ang OFW sa kanila kaya wala silang balita. Kung di ba naman kayo pulpol, paano kayong makokontak kung nagpalit kayo ng numero, aber?!

Tapos sasabihin n’yo pang hindi totoo ang paratang sa inyo? Ginawa n’yo pang sinungaling ang Kilos Pronto mga putok sa buho kayo! Lalapit ba naman sa amin ‘yan kung hindi inagrabyado!

Dahil wala namang kuwenta itong agency, nakipag-ugnayan na kami kay Deputy Admi-nistrator Aristodes Ruaro ng POEA. Agad-agad ipinatawag niya ang agency at ang pamilya ng OFW sa kanyang opisina. Pinangakong tututukan niya ito para mapabilis ang kaso.

Dagdag pa ni Deputy Admin, hindi na uubra sa kanila ang kalokohan ng mga recruitment agency na ito. Kung mapatunayan na mayroon silang pagkukulang, sila mismo ang magpapasara sa ahensiya!

Mga bayani naming itinuturing sa Kilos Pronto ang mga OFW.  Kami nila ‘Tol Erwin at Alex Santos ang tatayo para sa mga inagrabyado, inabuso at tinatarantadong OFW. Kaya kung ayaw ninyong mahataw ni ‘Tol Erwin ng baseball bat sa ulo, ma-spray-an ng insecticide ni Alex Santos at mahampas sa muka ng pamalo ko, ayusin ang mga trabaho n’yo! Gets n’yo?

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with