^

Punto Mo

Matandang Tinali (81)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANG dami naman nitong binigay mo Dong. Nakakahiya sa’yo,” sabi ni Manong Naldo habang hawak ang P5,000 na binigay ni Dong para pampa-check-up. Mangiyak-ngiyak si Manong.

“Okey lang Manong. Itago mo ang sobra para may panggastos kayo.’’
“Salamat. Hayaan mo at kapag gumaling na ang sakit ng mga paa ko, tutulungan kita sa paglilinis sa farm mo. Babawi ako sa magandang ugali mo, Dong.’’

“Sige Manong. Magpa-check-up ka na bukas para mawala na ang sakit ng mga paa mo at tuhod.’’

“Salamat uli Dong.’’

Umalis na si Dong.

Habang naglalakad pauwi ay si Manong Naldo ang nasa isip ni Dong. Kakaawa ang kalagayan ni Manong na kaya pala hindi makapagpa-check-up ay dahil sa kawalan ng pera. Mahirap talaga ang maging mahirap dahil titiisin na lang ang nararamdamang sakit dahil nga walang pampa-check-up. Mabuti na lamang at naisipan niyang dalawin si Manong Naldo. Wala siyang kamalay-malay na may sakit pala ito kaya hindi nagpapakita sa kanya.

Kung magpapa-check-up si Manong bukas, maaaring ilang raw lang ay magaling na ito.

Kapag maaari nang magtrabaho ay tiyak na pupunta agad ito sa kanya. Masipag si Manong Naldo.

ILANG araw ang nakalipas at hindi pa nagpapakita si Manong Naldo. Siguro’y matindi pa rin ang sakit ng mga tuhod at paa. Baka hindi nakaya ng mga gamot. Baka bukas o sa makalawa ay magaling na si Manong at dadalawin na siya.

Habang nakadungaw siya sa bintana ay natanaw niyang mataas na ang mga damo sa may sapa. Ang bilis lumago gayung kailan lang tinabasan ni Manong Naldo.

Naisip ni Dong na siya na lamang ang magtabas ng damo habang hinihintay ang paggaling ni Manong Naldo. Mabuti nga at matututo siyang magtabas at nang iba pang gawain dito sa farm. Hindi siya dapat umasa nang umasa sa ibang tao.

Pag-aaralan din niyang umakyat sa niyog para kumuha ng bunga. Lahat ay pag-aaralan niya.

(Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with