^

Punto Mo

Size 18 na paa ng 15 anyos sa Portland, pinakamalaki para sa isang teenager

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

FRESHMAN pa lang sa high school ang 15 anyos na si Hunter Harrison ngunit may tsansa na siyang makapasok sa mga record books dahil sa pambihirang laki ng kanyang paa.

Sa kabila kasi ng kanyang murang edad ay nasa size 18 na ang mga sapatos na sinusuot ni Harrison.

Nang sukatin ang kanyang paa ay umabot sa 33.1 sentimetro ang haba ng mga ito na higit sa kasalukuyang record na 32.95 sentimetro.

Ayon sa ina ni Harrison na si Rhonda, hindi na daw dapat magulat ang mga tao sa sukat ng paa ng kanyang anak dahil kahit noong sanggol pa lang daw ito ay mala­ki na talaga ito sa timbang nitong 10 pounds at habang 23 pulgada.

Sa ngayon ay hindi pa kumpirmado ang world record ni Harrison dahil kapapadala pa lang sa Guinness World Records ang opisyal na sukat ng kanyang mga paa.

vuukle comment

HUNTER HARRISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with