^

Punto Mo

Matandang Tinali (79)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PERO pagdating ni Dong sa sapa ay wala naman siyang nakitang naliligo roon. Matagal niyang pinagmasdan ang portion ng sapa kung saan siya sumisisid at baka nasa ilalim pa ng tubig kung sino man iyon. Aahon tiyak kung mayroon mang sumisisid. Pero wala siyang nakita.

Baka naman imagination lamang niya ang narinig kanina na kulabsaw ng tubig? Oo nga baka mayroon lamang bumagsak na sanga sa tubig.

Maaari ring may tumawid na bayawak o ahas at lumikha iyon ng ingay na narinig niya kanina.

Ipinasya ni Dong na bu-malik na sa kanyang kubo at ipagpatuloy ang ginagawang pag-aasikaso sa kanyang mga tanim na gulay sa likod ng kubo. Marami nang umusbong sa mga buto ng ampalaya at sitaw. Maaaring bukas o sa makalawa ay puwede nang lagyan ng balag o tulay ang mga ito. Mabilis gumapang ang mga ito.

Mataba ang lupa kaya madaling sumibol ang mga buto. Lagi rin niyang inaalagaan ng dilig ang mga ito.

Pagkatapos asikasuhin ang mga tanim na gulay ay ang pagluluto naman ng tanghalian ang kanyang inasikaso. Iluluto naman niya ngayon ang ginisang corned beef na may patatas. Marami siyang corned beef na baon dahil magtatagalan siya. Pati sardinas ay marami rin siyang baon.

Nagsasaing na siya nang maalala si Manong Naldo. Bakit kaya hindi pa dumadaan si Manong? Dati ganitong oras ay pauwi na ang matanda para mananghalian. Kung minsan kapag galing sa panghuhuli ng isda ay dumadaan din sa kanya si Manong. Pero ngayon ay wala. Ano kayang nangyari?

Nang maluto ang ginisang corned beef ay nagsandok na siya ng kanin para kumain. Nagugutom na siya. Kaunti lang ang kinain niya sa almusal.

Nang humapon ay hindi rin niya nakita si Manong Naldo. Ano kayang nangyari?

KINABUKASAN, ipinasya ni Dong na puntahan si Manong Naldo sa bahay nito. Kutob niya, may nangyari kaya hindi nagpapakita si Manong.

Mga dalawang kilometro ang layo ng bahay ni Manong.

Madaling nakita ni Dong ang bahay ni Manong.

Tama ang hula ni Dong na may nangyari kaya hindi nagpupunta sa kubo ang matanda.

Nakahiga si Manong dahil may sakit. Hirap na hirap ito sa pagbangon nang makita siya. (Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with