^

Punto Mo

Mag-asawa sa michigan na may 13 lalaking anak, nagdagdag pa ng isang lalaki

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SIGURADONG hindi mauubusan ng mga pinaglumaang damit ang isang sanggol na lalaki sa Michigan paglaki niya.

Ito’y dahil sa pagkakaroon niya ng 13 na kuya mula sa kanyang mga magulang na sina Kateri at Jay Schwandt.

Sa kabila ng pagkakaroon ng 14 na anak ay wala kasi kahit isang babae na iniluwal si Kateri, na ipinanganak ang kanyang pinakabagong supling nito lamang nakaraang Miyerkules.

Hindi na isinapubliko ang pangalan ng sanggol, na may timbang na 8 pounds at 4 ounces at may habang 21 pulgada.

Katulad ng kanilang nakagawian sa naunang 13 beses na pagbubuntis ni Kateri ay iniwasan ng mag-asawa na malaman ang kasarian ng kanilang magiging anak.

Noong kasisimula pa lamang ng pagbubuntis ni Ka-teri ay nagpahayag ang kanyang asawa na sana ay babae naman ang kanilang maging anak ngunit kutob niya ay lalaki ulit ito. Tumpak naman ang kanyang naging kutob.

Sa sobrang dami ng anak ng mag-asawa ay higit beinte anyos na ang  magiging pinaka-kuya ng kapapanganak lang na sanggol.

Sanay na raw si Ka-teri sa pagkakaroon ng malaking pamilya dahil kahit siya ay lumaki rin sa isang pamilya kung saan 14 din silang magkakapatid.

vuukle comment

KATERI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with