^

Punto Mo

Kriminal, pinagtatakpan ni Chairman!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MATAPOS ang mahaba at masusing diskusyon, tuloy na tuloy na ang barangay at SK elections. Sa inilabas na calendar of activities ng Commission on Elections (Comelec), pormal na binuksan ang election period noong Abril 14 at inaasahang matatapos sa Mayo 21.

Kaya sa mga darating na linggo, asahan na ang paglabas sa lungga ng mga kandidato sa barangay ninyo. Bitbit ang mga naglalakihang speaker, mambubulabog habang nagpapatugtog ng kanilang mga campaign jingle.

Isama mo pa ‘yung kaliwa’t kanang miting de avance, kung saan maririnig ang kanya-kanyang pangako na kalauna’y mapapako rin pala.

Kung sawa na kayo sa mga ganitong eksena, tuldukan n’yo na! ‘Wag kayong pauuto sa matatamis na salita ng mga pulitiko. ‘Wag n’yong iboto ang mga kandidatong tulad nitong Chairman ng Barangay Marawa sa Jaen, Nueva Ecija.

Lintik kasi itong si Kapitan Feliciano Santiago! Tanod niyang nakapatay ng kasamahan, pilit na pinagtatakpan. Imbes na arestuhin at paaminin sa nagawang kasalanan, aba’y ipinagtanggol pa ni Chairman!

Giit kasi ni Kapitan, sa aksidente raw namatay ang isa sa kanyang mga tauhan. Hoy, gunggong! May nabangga bang may tama ng bala sa katawan?! Kung di ka ba naman pulpol!

SOCO na ang nagsabi, sa tama ng baril namatay ang biktima at hindi dahil sa pagkakabangga. Kaya ‘wag ka nang magdahilan kung ayaw mong magmukhang tanga.

Isa pang kalokohan mo Kapitan, bakit may bitbit na shotgun ang isa sa iyong mga tauhan? Di ba’t may gun ban ng mga panahon na ‘yan? Paano mo ngayon ilulusot ‘yan?

Dahil ayaw umamin ni Chairman sa katarantaduhan, inilapit namin kay USec. Martin Diño ng DILG ang reklamo. Kilos Pronto ang naging aksyon ni USec. Diño, agad niyang pinapupunta ang kaanak ng biktima para personal niyang mahawakan ang kaso. 

Banta niya kay Chairman, mag-ingat sa mga inilalabas ng bunganga niya. Dahil sa mga maling impormasyon na ipinapakalat niya, maari siyang sampahan ng kaso at mapatalsik sa puwesto.

Bilang Kapitan ng barangay, nagsisilbi ka dapat na magandang halimbawa sa mga taong nasasakupan mo. Hindi ‘yung ikaw pa nangunguna sa katarantaduhan sa lugar ninyo!

 

vuukle comment

KRIMINAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with