^

Punto Mo

Matandang Tinali (52)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TILA balewala kay Babes ang sinabi ni Dong na uso ang nakawan ng I-phone. Sa halip ay tumayo ito at dahan-dahang lumapit sa kanya. Nasapol niya ng tingin ang malulusog na “boobsies” ni Babes na tila nag-uumalpas sa fit na t-shirt nito.

Mukhang hindi apektado si Babes ng mga nakawan at ngayon ay may balak pang kakaiba sa kanya. Pero nag-iisip si Dong sa mga maaa-ring mangyari at kung ano ang magiging epekto sakali’t magpadala siya sa panunukso ni Babes. Palagay ni Dong, gagawin ni Babes ang lahat nang paraan para may mangyari sa kanila.

“Hindi ka ba nagwo-worry na marami nang nawawalang CP dito sa dorm, Babes?’’ tanong ni Dong para mabaling ang atensiyon ni Babes.

“Bakit ba yun ang pag-uusapan natin Sir Dong. Ano ka ba?’’

Napamaang si Dong. Mukhang may binabalak na nga si Babes at ngayon na yun mangyayari. Mukhang wala nang makakapigil.

“Gusto ko lang maging aware ka sa mga nangyayari, Babes. Mahirap nang mawalan ng gamit.’’

“Salamat sa pagpapaalala, Sir Dong.’’

“Gusto ko, walang mangyari sa iyo habang narito ka. Gusto ko, ligtas ka.’’

“Salamat Sir Dong. Pero alam mo mas matutuwa ako at lalo kitang mamahalin kung may mangyayari sa atin. Wala namang masama di ba? Dalaga ako at binata ka. Ano ang problema? Gusto ko e lalaking mas matanda sa akin ang maging partner. Ayaw ko nga ng mga kasing-edad ko – manloloko lang sila. Ang gusto lamang ay matikman ang katawan ko.’’

“Babes, talaga bang may gusto ka sa akin?’’

“Ngayon mo lang ba nahalata, Sir Dong. Hindi mo ba nakikita sa kilos ko ang ma-tinding paghanga ko sa iyo?”

“A e hindi, Babes. Wala akong nahahalata.’’

“So ngayon ay alam mo na, Sir Dong. Matindi ang paghanga ko sa’yo at hindi ako titigil hangga’t hindi tayo nagkakaroon ng relasyon!’’

Shock si Dong. Talagang may gusto sa kanya si Babes. Ayaw na siyang tantanan. Talagang desidido na ito na magkaroon sila ng ugnayan.

Bahagyang pang lumapit si Babes.

“Mayroon akong ipakikita sa’yo Sir Dong. At pa-lagay ko, kapag nakita mo nang malapitan, malilimutan mo ang lahat. Natitiyak ko, hindi ka na makakatulog kapag napagmasdan mo ito.

“Babes anong gagawin mo?’’

Sa halip na sumagot si Babes ay hinawakan ang laylayan ng shirt. At saka dahan-dahang hinubad ang shirt.

“Babes!” (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with