^

Punto Mo

British cyclist, binisikleta ang buong kahabaan ng South America

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGAWANG lakbayin ng isang dating miyembro ng British special forces at ngayo’y cyclist na ang buong kahabaan ng South America nang mas mabilis ng 10 araw sa dating world record.

Nakumpleto ni Dean Stott ang kanyang paglalakbay noong Miyerkules matapos siyang magbisikleta sa loob ng 48 araw at 54 minuto simula noong Pebrero 1. Noong 2009 pa naitala ang dating world record na 58 araw, 3 oras at 45 minuto.

Bahagi lamang ng mas malaki pang hamon ang ginawang paglalakbay ni Stott. Plano niya kasing ituluy-tuloy ang kanyang pagbibisikleta papuntang Central at North America hanggang sa marating niya ang Alaska.

Tinatayang nasa 22,000 kilometro ang lalakbayin ni Stott kung sakaling makumpleto niya ang kanyang planong paglalakbay.

Layon din niyang magawa ang lahat ng ito nang mas mabilis sa 117 araw, na siyang kasalukuyang world record.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with