^

Punto Mo

Matandang Tinali (51)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

GULAT na gulat si Babes nang makitang nasa labas ng unit si Sir Dong.

“Bakit nandyan ka Sir Dong? Akala ko pa naman nasa may pintuan ka ng room ko…halika ka rito sa loob.’’

Pumasok si Sir Dong at naupo sa sopa.

“Bakit ka lumabas?’’

“Nakakahiya, Babes Nagbibihis ka e.’’

“Ano naman ang masama kung makita mo akong nagbibihis? Hindi naman masama ang katawan ko. Masama ba ang katawan ko, Sir Dong?’’

“Hindi.’’

“Hindi naman pala, e bakit ka lumabas.’’

“Naiilang ako.’’

Nagtawa na lang si Babes.

“Ikaw talaga Sir Dong, napakamahiyain mo.’’

“Mahiyain talaga ako, Babes.’’

Tiningnan ni Babes si Sir Dong – nanunukso ang pagkakatingin. Lumaban naman si Dong nang tinginan. Talagang nang-aakit si Babes.

Nang ibaba ni Dong ang paningin, napansin niyang walang bra si Babes. Bakat na bakat ang malulusog na “boobsies” sa t-shirt. Napalunok si Dong.

Nang muling itaas ni Dong ang paningin, nakita niya ang mapanuksong tingin ni Babes. Kaakit-akit si Babes.

“Gusto mo akong halikan, Sir Dong?’’

Napalunok si Dong. Talagang tinutukso siya ni Babes.

Pero lalabanan niya ang panunukso nito.

Iba ang sinabi niya.

“Uso ang nakawan dito Babes, hindi ka nanakawan ng cell phone.’’

“Hindi!’’

Hanggang sa makita ni Dong ang paglapit ni Babes.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with