^

Punto Mo

Dahil sa command responsibilities, bitiw na

Butch M. Quejada - Pang-masa

TALK of the town ngayon sa Bureau of Customs ang daan-daan alerted containerized vans na naglahong parang bula sa Port of Manila Customshouse, kung saan man ito napunta ay wala pang nakakaalam sa ngayon.

Ayon sa mga asset ng mga ku- wago ng ORA MISMO, pineke daw ang mga dokumento ng mga nawalang container kaya ito nakalabas sa yarda ng Port of Manila.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Mukhang lumang tugtugin na ang balita?

Siguradong ‘kuarta,’ ang dahilan kung bakit nakalusot at nakalabas ito sa pier.

Ano kaya ang ginagawa ng mga guardya sibil sa bureau?

Sagot - mukhang mga tulog?

‘Sana walang halong droga ang container? Galing kasing China ito.’

Ano ba iyan?

Nahihiya kaya si Customs Commissioner Isidro Lapeña kay Boss Digong sa pagkawala ng mga epektos?

Paano kaya uumpisahan ni Lapeña kay Boss Digong na daan-daan container ang nawala sa pier.

May i-iyak kaya dito?

Ika nga, magda-drama?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtataka sila kung paano nakalabas ang mga container sa yarda samantala alerted ito.

Sabi nga, kapag alerted, naka-red flag ito at naka-lock sa computer.

‘Tiyan malaking pera ang pinagpartihan dito ng mga hung­hang!’ Sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Asan ang mga guardyang customs police sa gate ng POM at mga taga-Pier Inspection Division ng BOC, ano ang mga pinaggagawa ng mga ito?

Sagot - inalis sila sa mga puesto nila sa mga gates para iwas ‘tara’ raw kaya tinanggal ni Lapeña.

Pero mukhang ibinalik ulit dahil sa pangyayari?

‘Maganda ba ang naging resulta ngayon ?  Ano ngayon ang gagawin ng mga bright sa pagkawala ng daan-daan container sa POM ?’ tanong ng kuwagong lasing.

Nainspeksyon na rin ba ang yarda sa MICP baka may mga nawawala rin doon?

Isang alyas Kimberly, sinasabing professional fixer sa bureau, ang pumuputok na pangalan sa pier ngayon. Mga alerted shipments niya ang mga nawawala?

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with