^

Punto Mo

May puwedeng gawin ang Diyos; May puwede ka ring gawin

Pang-masa

NOONG nakaraang taon, ayon sa Transparency International, mula sa 180 bansa sa buong mundo, ang Pilipinas ay pang-111 sa listahan ng mga bansang malinis sa katiwalian.  Sa Corruption Perception Index na 100 ang pinakamataas, nakakuha ang Pilipinas ng 35, tabla sa Thailand at Peru.

Ang “pinakamalinis” na bansa, na napakababa ng kaso ng katiwalian, ay ang Denmark at New Zealand, na parehong nakakuha ng 90.  Sa Asia, ang Singapore ang may pinakamataas na score, 84. Ang pinakamababa ay ang Cambodia, 21.

Walang naitalang pag-unlad ang Pilipinas sa Corruption Perception Index sa nakaraang tatlong taon, sa kabila ng mariing pahayag ng kasalukuyang administrasyon na wawasakin nito ang katiwalian sa bansa. Wala pa naman sa “watch list” ang Pilipinas, pero kailangang maingat na manmanan ang mga kasalukuyang nangyayari.

Ang tinaguriang “culture of corruption” ay pinalalala ng tinatawag na “culture of impunity,” kung saan ang mga gumagawa ng katiwalian ay tila walang takot na maparusahan sa kanilang tiwaling mga gawain.  Bakit nga hindi?  Sa halip na maparusahan ang mga nasasangkot sa katiwalian, nabibigyan pa ng matataas na puwesto sa gobyerno. O nananalo sa eleksyon. O nalalagay sa Witness Protection Program. Ang napaparusahn ay ‘yong “maliliit na isda,” samantalang nakakawala ‘yong mga “balyena.”

Marami tayong magagandang batas. Pero ang problema ay hindi lamang sa pagpapatupad ng mga batas. Ang mismong mga batas ay napapaikot ng mga tiwali para sa kanilang kapakanan sa pamamagitan ng pagkuha sa pinakamagagaling na abugado. Tila mas malakas ang makinarya ng mga tiwala kaysa ating “justice system.” Maraming mga kaso ang nadidismis lamang dahil sa diumano’y kawalan ng ebidensiya.  Hindi raw nagsisinungaling ang ebidensiya. Totoo nga, pero ang ebidensiya ay puwedeng imbentuhin ng mga may poder at may pera. 

Kailan magwawakas ang “culture of corruption” at “culture of impunity” sa ating bansa? Isa kong kaibigan ang nagsabi ng ganito, “Not within our life time. Siguro sa panahon ng apo ng ating mga apo.” Ay, kay tagal naman no’n! Ayokong magpaka-nega.

Sa ngayon pa lang ay mayroon tayong magagawa.  Mayroon kang magagawa.  Ang mahalaga’y mamulat ka sa katotohanan at maging instrumento ng katotohanan.  Ang wika ni Hesus sa Juan 8:32, “At inyong malalaman ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” Ibig sabihin, maging tagapagdala ka ng katotohanan at huwag na huwag na tagapagpakalat ng “fake news.” Ang hawak mong cell phone ay maaaring maging “medium” ng tamang balita o pekeng balita.  Huwag na huwag kang magpapasa ng anumang maselang impormasyon na hindi mo muna inalam ang katotohanan nito. Alalahanin mo, sa isang pindot mo lang ay maaaring  may buhay at kinabukasang mawasak.

Naniniwala rin ako sa “divine intervention.” Puwedeng makialam ang Diyos para hindi umabot sa apo ng ating mga apo ang pagwasak sa kultura ng katiwalian at kawalang-takot sa paggawa ng katiwalian. Kapag nawawalan na tayo ng pag-asa at malapit nang sumuko, doon kikilos ang Diyos upang muli Niyang patunayan na Siya ang Panginoon ng Pilipinas.  Sa panahon ngayon ng “Semana Santa,”  nawa’y huwag nating iaalis sa ating “national consciousness” ang tinatawag na “God’s equation.”

May puwedeng gawin ang Diyos na malayo sa iyong iniisip. May puwede kang gawin na hindi mo dating naiisip. “Yan ang “divine intervention.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with