^

Punto Mo

10 Life Hacks

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Hindi ka nakakatipid kung bumili ka ng isang bagay dahil ito ay “bagsak presyo” at hindi dahil kailangan mo ito.

Ang avocado ay nagpapataas ng serotonin level. Ito ang responsable para maranasan natin ang masayang pakiramdam. Ang pagkain ng avocado ay panlunas sa depresyon.

Ang plain white toothpaste (hindi gel) ay nagtatanggal ng mantsa ng pen ink sa damit. Pahiran ng toothpaste ang mantsa. Ibabad muna ng ilang minuto sa toothpaste ang mantsa. Isahod ito sa gripo habang kinukusot. Ulitin kung kinakailangan.

Ang pag-inom ng 2 cups na tubig bago kumain ng agahan, tanghalian at hapunan ay makakapagpababa ng timbang ng more or less 4.5 pounds per 12 weeks.

Ang pag-inom ng chocolate milk pagkatapos ng workout ay nakakatanggal ng sakit ng muscle.

Bumabagal ang pagtanda ng utak kung mag-aaral tumugtog ng musical instrument o mag-aral ng bagong wika.

Ang paghikab ay nakakalamig ng ulo at nakakabawas ng stress.

Kung naghahanap ka ng pagkain sa fridge dahil naiinip ka at hindi nagugutom, uminom ka ng isang basong tubig para mapawi ang iyong pananabik sa pagkain.

Hindi lang mainam sa kalusugan ang pag-eehersisyo kundi nakaka-improve ng brain power.

Kumain muna bago uminom ng ibuprofen upang lunasan ang hangover. Nakakasira ng stomach lining ang pag-inom ng ibuprofen nang walang laman ang tiyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with