^

Punto Mo

Matandang Tinali (50)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAPAHIYA si Sir Dong nang malaman na naliligo si Babes.

“Sorry, Babes, babalik na lang ako.’’

“Sandali na lang ako, Sir Dong. Matatapos na ako sa pagsa-shower.’’

“Babalik na lang ako. Sige.”

“Huwag! Diyan ka na lang Sir Dong. Lalabas na ako.’’

Hiyang-hiya si Dong. Bakit kaya sa tuwing pupunta siya rito ay may ginagawang mahalaga si Babes.

Noong huli siyang magtu-ngo rito ay nagbibihis si Babes at nakita pa nga niya ang magandang katawan nito. Napagsawaan niyang tingnan ang kaseksihan ni Babes. Ayaw sana niyang tingnan pero hindi niya makontrol ang sarili. Sino naman kaya ang hindi maaakit sa magandang katawan ng estudyante. Lalaki siya at natural na magkaroon ng pagnanasa kapag nakakakita ng magandang katawan.

Nagulat si Dong nang lumabas sa banyo si Babes. Nakabalot sa katawan nito ang tuwalya.

“Tapos na ako, Sir Dong!’’

“Nakakahiya sa’yo Babes. Naistorbo kita.’’

“Oks lang, Sir Dong.’’

“May itatanong lang kasi ako kaya ako narito.’’

“Ganun ba? Teka at magbibihis lang ako, Sir Dong.’’

“Sige Babes.’’

Pumasok si Babes sa kuwarto pero hindi nito isinara ang pinto. Hinayaang nakabuyangyang ang pinto kaya kitang-kita siya ni Dong na noon ay nakatayo sa labas. Ilang hakbang lang ang layo ng room.

Tinanggal ni Babes ang tuwalya sa katawan at nalantad ang hubad na katawan. Nakatalikod si Babes. Perpekto ang kurbada ng katawan ni Babes.

Napalunok si Dong. Sunud-sunod.

Lalaki siya! Sino ang hindi magkakaroon ng pagnanasa sa babaing ilang hakbang lang ang layo sa kanya at walang saplot sa katawan?

Nang huli siyang magpunta rito ay naka-bra at panty lang si Babes pero ngayon, wala nang nakatakip sa katawan nito. Parang diyosa si Babes!

Kusa kayang ipinakikita ni Babes ang katawan sa kanya? Posible iyon. At saka bakit hindi niya isinara ang pinto ng kuwarto. May gusto kaya sa kanya si Babes?

Napahinga nang malalim si Dong. Natutukso na siyang puntahan sa room si Babes at bahala na kung ano ang mangyari. Binata naman siya --- matanda nga lang – at dalaga naman si Babes. Puwede na niya itong asawa. Matatapos na ang pagiging matandang binata niya. Magkakaroon na rin siya ng kasama sa buhay.

Pero hindi niya ginawa. Sa halip lumabas siya sa unit at nanatili sa labas. Kapag nakapagbihis na si Babes saka siya papasok. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with