^

Punto Mo

9-anyos na bata sa Florida, pumalakpak ng 1,000 beses sa loob ng 1 minuto

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NANONOOD lang sa YouTube ang 9 na anyos na si Seven Wade ng mga world record attempts nang pumasok sa kanyang isip na kaya rin niyang magkamit ng sariling world record.

Napanood kasi niya ang pagtatala ng isang lalaki ng world record para sa pinakamaraming beses ng pagpa-lakpak sa loob ng 1 minuto at naisip niyang kayang-kaya niya itong higitan.

May basehan naman ang tiwala ni Seven sa sarili dahil hindi nagtagal ay nahigitan nga niya ang world record sa pamamagitan ng pagpalakpak ng 1,080 beses sa loob lang ng 1 minuto.

Nagkapaltus-paltos na raw ang mga palad ni Seven sa kanyang pagpalakpak, ayon sa kanyang ama na naging saksi sa tindi ng naging ensayo ng kanyang anak.

Wala namang balak tumigil si Seven sa kauna-unahan niyang world record. Balak naman daw ng bata mula Florida na makakuha ng titulo sa mga hilig niyang aktibidad katulad ng taekwondo at pagtugtog ng drums.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with