^

Punto Mo

Tawas ni Napoles, magpapalabas ng multo sa Malacañang

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

MATAGAL nang nahihiwagaan ang mamamayan kung bakit paulit-ulit na binabanggit ni Mayor Digong ang katagang “multo sa Malacañang”, kaya nagtatanong ang marami kung literal daw ba ito o sarcastic na parinig sa mga nauna sa kanya? Maari nga raw pareho, pero mas mariin ang sa huli. Ganun?

Ang Department of Budget and Management (DBM) ay executive body under the Office of the President ay nasa bakuran din ng Malacañang na may direktang  partisipasyon sa approval and releases ng mga pondo sa ilalim ng PDAF na ipinagbawal na ng batas mula pa noong Nob. 19, 2013, pero patuloy na inabuso ng Aquino administration. Ang isa sa may pinakamalaking pondo na nawaldas ay ang Department of Agriculture sa tinaguriang fertilizer scam. Mas mahirap nga namang bungkalin ang ebidensiya dito dahil humalo na ang mga ito sa lupa.

Espiritu ng kasakiman ilaladlad ni Napoles

Bagama’t may nagdududa sa napipintong bagong rebelasyon ni DAP at PDAF Scam queen Janet Napoles, malamang na kinakabahan din ang mga promotor at nakinabang ng husto na mga pulitiko sa kaban ng bayan na ilaladlad niya noong mga nakaraang administrasyon, partikular sa panahon nina dating President Gloria M. Arroyo at Noynoy Aquino na ang karamihan ay naka-posisyon pa ngayon. Tanging ang JLN Corporation ni Napoles ang ipinagdiinan sa anomalya ng PDAF, gayung napakaraming non-government organizations (NGO) ang sangkot din sa maanomalyang PDAF.

Dapat lamang na isalang sa bagong imbestigasyon sina dating Budget Secretary Rolando Andaya Jr. na nagsilbi sa termino  ni GMA at Butch Abad sa panahon ni Noynoy.

Sumambulat ang isyu sa  nakawan ng DAP at PDAF sa pagitan ng 2007-2009 na mayroong 772 projects ang 12 senador at 180 congressmen na pinondohan ng P6.156 bilyon ang naglaho na parang multo. Nagreklamo noon ang abogado ni Napoles na si Atty. Bruce Rivera na hindi kumpleto ang sinampahan ng kaso ni DOJ Sec. Leila de Lima dahil  kasangkot  din sina Sen. Angara, Ruffy Biazon, Cong. Mat Defensor at DBM Sec. Butch Abad  sa PDAF, tanging mga taga-oposisyong tulad nina Sens. Enrile, Revilla at Estrada lamang ang inilaglag ni dating DOJ Sec. Leila de Lima.  E de mali nga naman talaga!

Kapana-panabik ang ibubulgar ni Napoles kaya tiyak na magpapapogi na naman ang mga senador na aaktong mga tagapagtanggol ng bayan, he-he!

May multo rin sa Simbahang Katoliko bukod pa sa Kongreso at Senado

Bumalot din sa ilang Simbahang Katoliko ang pasabog noon ni whistleblower Benhur Luy na dimumano’y nakinabang ng milyong pisong donasyon mula kay Napoles ang simbahang Katoliko at isa rito si Quiapo Church Rector Josefino Ramirez na lumapang sa bahagi ng P2.5 million donations na posibleng mula sa ninakaw sa kaban ng bayan? Aruy ko, e sinong mag e-exorcise sa mga multo kung sila mismo ang may dala ng masasamang espiritu? In Jesus name lumayas na kayo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with