^

Punto Mo

Kansas farmer, ginamit ang kanyang 300 baka para mag-‘hi’ sa space rocket

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG magsasaka sa Kan- ­sas ang ginamit ang kanyang 300 alagang baka upang makapag-“hi” sa isang rocket na kasalukuyang lumilipad sa kalawakan.

Ipinuwesto ng binansagang “cow artist” na si Derek Klingenberg ang kanyang mga baka upang mabuo ang katagang “Hi.”

Sa dami ng bakang ginamit ni Derek para sa proyekto ay posibleng makita ang dambuhalang “Hi” sa kalawakan.

Layunin daw ni Derek na makunan ng satellite camera ang salitang binuo ng kanyang mga baka. Alam kasi niya ang oras ng pagdaan ng satellite sa kanilang lugar kaya itinaon niya ang pagbuo nang malaking “Hi” sa tulong ng kanyang mga baka.

Araw-araw kasi siyang pinapadalhan ng picture ng kanyang bukirin na kuha mula sa kalawakan ng isang satellite company kaya nagawang tantiyahin ni Derek ang eksaktong oras ng pagdaan ng satellite.

Nakunan ang malaking “Hi” ng kanyang mga baka dakong 10:30 ng umaga.

Mabuti na lamang at maganda ang panahon at buo pa ang kataga nang makunan na ang mga baka ng satellite camera dahil unti-unti na raw lumalayo ang mga ito papunta sa mga sariwang damo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with