^

Punto Mo

Bulok na serbisyong kalye

Butch M. Quejada - Pang-masa

TEKA nga Heneral, este mali Mayor Herbert Bautista pala, mukha yatang natutulog ang mga bata mo sa pansitan ?

Dati nga Boy Scout ka at dapat Laging Handa ngayong sundalo ka na, hindi mo naman siguro kailangan pang maghintay ng giyera para siguraduhin naman maayos ang trabaho sa mga kal-yeng pinagbubutas ng mga kontratista ng gobierno tapos kilos pagong ang trabaho.

Ano kung DPWH ang proyekto, alam naman ng lahat na malaki ang kinikita, este  mali responsibilidad pala ng  City Hall sa mga pa trabahong ito.

Hindi yata barya-barya ang gastos dito.  Sa Barangay UP Village na lang mahigit P65 million ang  proyekto para sa “improvement of road” kahit na dalawa o tatlong kalye lang sa looban ang pinaglalaanan ng limpak limpak na pera galing sa buwis ng madlang people.

Ikinuento ng mga reklamador na sinimulan daw ang proyekto manu-mano ang paghuhukay ng iilang mga tauhan ng MRB II Construction Corp.  Yung mga naghuhukay ay kung saan-saan lang pinagdadampot diumano ng kontratistang ito at hindi man lang nakasuot ng tamang uniporme ngayong panahon na ng tag-init.

 Matapos mai-ayos ang canal tatabunan uuli at iiwan na lang nang basta-basta ang trabaho. 

Hindi man lang ipahakot sa truck  para hakutin ang mga lupang nakatambak sa gilid ng mga kalye. Siguradong pagkakakitaan pa diumano nang kumpanya  ang mga lupang ito ?

Bakit kaya malakas ang loob ng kontratistang ito na pabandying-bandying lang ang trabaho? Kasi naman anim na buwan pala ang palugid sa kaniyang kontrata sa pag-aayos lang ng kalye.

Dapat yata kumilos na rin si Kapitan Virgilio Ferrer kahit na inuna nang ayusin yung kalye na kinatatayuan ng kaniyang barangay hall. Huwag nang magbulag-bulagan ang ating mga kawani sa barangay. Sanay na naman kayong pumapel sa lahat ng bagay. Ngayong kailangan ang inyong pagkilos, kailangan pa yata kayong mahimasmasan ng galit ng mga nanirahan sa inyong lugar.

Baka kailangan lang makakolekta ng 30 per cent “mobilization fund”  ang kontrastista tapos pwedeng hinay-hinay na ang gawa. 

Mayor Herbert, hindi kaya nakakahiya naman sa  inyong mga constituents ang ganito serbisyo sa mahal n’yong siyudad ? Lalo na’t makikinabang din umano ang ilang malalapit sa inyo na balita ay may mga pinagtatayong diumano mga mahahaling town houses sa paligid ?

Totoo kaya ito ?

Wala na nga umaalma sa walang humpay na road improvement sa maraming lugar taon-taon kahit hindi pa sira ang mga kalye. Nagkasawaan na kasi dahil wala namang ginawa ang City Hall sa mga reklamo. 

 Mayaman naman yata ang Quezon City at tiyak maraming yumayaman pa sa ganotong sistema ng serbisyo ng pamahalaan.

Hindi na ba naisip ng mga pulitiko ng Quezon City na sa halip matuwa ang madlang people dahil pinapaganda kuno ang kanilang lugar, lalong nagngitngit ang mga ito sa galit? 

Hala pa-epal kayo ng epal  sa lahat ng sulok ng lungsod pero wa epek yan sa perwisyong dinudulot n’yo sa mga proyektong imprastruktura na sobrang bagal at garapal sa implementasyon.

Dati yata, parang  SB o ‘Serbisyong Bayan” pero ngayon kasi HB na ?

 Ano kaya yun?

Baka “Hayup Ba yan.”

Abangan

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with