^

Punto Mo

University of Eastern Samar, bayaran ang nabangga n’yo!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HANGAD namin sa Kilos Pronto ang makatulong sa publiko lalo na sa mga taong inaagrabyado, niloloko at tinatarantado. Kahit anong klaseng reklamo, basta’t nasa tama handa kaming sumaklolo.

Ito marahil ang dahilan kung bakit patuloy ang pagdagsa ng mga taong nagsusubong sa aming tanggapan. Ang iba nanggagaling pa sa malalayong probinsya.

Tulad na lamang ng 57-anyos na tricycle driver na si Dionisio Lucaban mula sa Samar. Kahit hirap maglakad, personal siyang nagtungo sa aming headquarters upang idulog ang kanyang hinaing.

Reklamo ni Lolo, binangga raw ang kanyang minamanehong tricycle ng isang matulin at walang headlight na van na may plakang SHJ 719.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon sa kalsada ang matanda kasama ang tatlo niyang pasahero. Bali-bali ang kanyang buto at nagkagalos din sa ulo.

Ang nasabing van, nakarehistro sa pangalan ng isang sikat na unibersidad sa lugar, ang University of Eastern Samar.

Noong una, maayos naman daw kausap ang eskuwelahan. Nangako pa na sasagutin ang lahat ng gastusin niya sa ospital na umabot lang naman sa P36,000. Pero dumaan ang ilang buwan, partial payment lang ang naibigay! Ang damuhong paaralan hindi na nagparamdam!

Sinubukan naming tawagan ang inirereklamong eskwelahan. Pero napudpod na ang daliri ng mga staff namin, ‘ala kaming natanggap na reply.

Dahil dito, naisipan na lang ni Lolo na magsampa ng kaso. Pero ang lintik na lespung nalapitan, imbes na tumulong nagalit pa kay tatang! Kung tatanggapin daw nila ang reklamo, magagalit sa kanila ang paaralan at baka hindi na sila tulungan?!

Kung di ba naman hijo de carbon si SPO2 Rodelio ‘Catamaran’, este Catamora. Walang ibang ginagawa kundi matulog sa pansitan. Hoy mamang lespu, kung ayaw mong magtrabaho, puwedeng-pwede kang lumarga sa istasyon n’yo!

Paalala ko lang sa’yo, trabaho mo bilang pulis ang magserbisyo sa publiko. Gets mo?

Mabuti pa ang Direktor ng Commission on Higher Education na si Rannie Liveta, may nagawa. Nangakong tutulong sila makipag-ugnayan sa University of Eastern Samar.

Kami naman sa Kilos Pronto, tututukan namin ang reklamong ito. Hindi kami titigil na panagutin ang may kasalanan. Para naman kay SPO2 Catamora, ipagdadasal na lang kita. Sa dami ng reklamo sa’yo, malamang bukas makalawa nasa kangkungan ka na.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with