^

Punto Mo

Matandang Tinali (48)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

AGAD na nagtungo sa dormitory si Dong para malaman ang mga pangyayari. Ito ang unang pagkakataon na may nawawala sa mga kuwarto ng occupants. Ni isang kaso ng pagnanakaw ay hindi nagkaroon dito.

“Sino sa palagay mo ang magnanakaw dito, Boy?’’

“Hindi ko alam Sir Dong! Ngayon lang nangyari ito.’’

Napahinga nang malalim si Dong.

Nagpalakad-lakad sa opis.

Nakatingin lamang sa kanya si Boy.

“Ilan na ang nawalan ng I-phone, Boy?’’

“Tatlo na Sir Dong.”

“Akala ko dalawa lang.”

“May nagsumbong pang isa kanina. Hindi na raw niya nireport dahil hindi naman daw marerekober.’’

Napahinga uli nang malalim si Dong. Hindi niya maubos-maisip na may magnanakaw sa dormitory na ang target ay I-phone. Sino kaya iyon?

Hanggang may maisip siyang paraan.

“Boy, gusto kong mag-hire ng isa pang guard. Mas maganda kung may nag-aakyat panaog dito para mahuli kung sino ang magnanakaw. Iisa kasi ang guard natin at nasa lobby pa. Kung dalawa ang guard, maaaring matigil na ang nakawan.’’

“Paano ang gagawin natin sa mga nanakawan ng I-phone, Sir Dong?’’

“Babayaran ko. Mas mahirap kung hahayaan na lang natin sila na umiyak. Sabihin mo, isubmit ang mga pangalan  ng nawalan ng I-phone at babayaran ko ng cash.’’

“Opo Sir Dong.’’

Nang may maisip si Dong.

“Si Babes kaya, nanakawan din?’’

“Palagay ko hindi Sir Dong. Wala akong natanggap mula sa kanya na nagrereklamo.’’

“Mabuti naman .’’

“Sige kailangang magkaroon tayo ng isa pang guard.’’

“Okey Sir Dong.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with