^

Punto Mo

Bakit ako binully ng aking 6th grade teacher?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Isang buong school year akong nagdusa. Madalas ay pambabara during recitation o malupit na statement kapag mababa ang grade ko sa exam. Pero sa akin lang siya ganoon. Kahit mali ang isinasagot sa recitation o mababa ang grade sa exam ng aking mga kaklase, hindi siya nagagalit. Pati mga kaklase ko, mababa na rin ang tingin sa akin. Nagngingisian na sila kapag may negatibong sinasabi si Titser sa akin. Sa sobrang dalas ng panghihiya, hindi na ako nahihiya pero masakit pa rin sa dibdib. Nagsusumiksik na sa isipan ko na baka nga totoong bobo ako.

Sa kabila ng pagdudusa ko, hindi ako nagsumbong. Sinarili ko lang ang problema. Ang nasa isip ko ay walang makakatulong sa akin. Maligalig din kasi ang matatanda kong kasama sa bahay na dapat sana ay paghingahan ko ng sama ng loob: inang laging mainit ang ulo, tiyuhin at tiyahing talakero’t talakera.. Ang kaisa-isang tao na hindi maligalig sa aming bahay ay ang tatay ko pero nasa gitna siya noon ng malaking problema—napagbintangan siyang nagnakaw ng baril.

Ganoon pala talaga ang biktima ng pangbu-bully lalo na at “powerful personality” ang nambibiktima. Para bang ako ay “bihag” ng kanyang kapangyarihan na ang tanging magagawa lang ay hintayin araw-araw ang torture na gagawin niya sa akin.

Nasa high school na ako nang naikuwento ko aking mga magulang ang ginawa ng aking 6th grade teacher na tawagin nating Mrs. S. Saka nabuksan ang isang kuwento tungkol sa matandang away na dahilan kung bakit mainit ang dugo sa akin ni Titser.

Ang kapatid na lalaki ni Mrs. S ay nakabugbugan ng ­aking ama nang ito ay binata pa. Ang girlfriend ni Tatay (hindi aking ina) ay binosohan ng kapatid ni Mrs. S. Nahuli ito sa akto ng aking ama. Galit na galit ang buong angkan ni Mrs. S dahil hindi makagulapay at nagsara ang dalawang mata ng kanilang unico hijo sa tindi ng bugbog ni Tatay. Hindi na malinaw sa akin kung kinasuhan si Tatay at ano ang naging reaksiyon ng girlfriend niyang binosohan. Basta’t tuwing kukuha ng NBI clearance si Tatay, naroon sa kaisa-isang bad record niya ng pambubugbog. Ang kasalanang iyon… ay isang taon kong pinagbayaran sa kamay ng mapaghiganting guro.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with