^

Punto Mo

Babaing bulag sa Ireland, 12 oras tumakbo ng 130 km sa treadmill

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKAPAGTALA ng bagong world record ang isang bulag na babae mula sa Ireland matapos niyang takbuhin ang 130 kilometro sa treadmill sa loob lamang ng 12 oras.

Tinakbo ng 35 anyos na si Sinead Kane ang layong katumbas ng tatlong marathon at nahigitan niya ang dating world record ng 1.88 kilometro.

Legally blind si Sinead na nasa 5% lamang ang pa-ningin. Ipinanganak siyang may kakaibang kondisyon kung saan labis ang liwanag na pumapasok sa kanyang mata dahilan upang pulos puti lamang ang kanyang nakikita.

Ginusto niyang makapagtala ng world record upang maipamalas sa lahat ang maaring makamit ng mga katulad niyang may kapansanan.

Hindi ito ang unang beses na may naitalang world record si Sinead. Noong 2017 ay siya ang unang bulag na babae na makatapos ng marathon sa pitong kontinente sa loob ng pitong araw.

Bukod sa pagiging two-time world record title holder ay isa ring abogado at PhD holder si Sinead.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with