^

Punto Mo

15 signs na aabutin ka ng 100 years old

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Last Part)

SIGURO iisipin mong wala sa lahi ninyo ang mahahaba ang buhay. Good news. Base sa bagong pag-aaral, 10 percent lang ang influence ng genes sa magiging haba ng buhay ng isang tao. Ang malaking porsiyento ng pagkakaroon mo ng mahabang buhay ay nakadepende sa mga choices mo sa buhay o iyong lifestyle na nakasanayan simula noong iyong kabataan.

9.  Hindi mo hinahayaang lumaki ang iyong bilbil. Sa babae, delikado na kung ang sukat ng waist ay 37 inches o higit pa. Sa lalaki 43 inches pataas. Ang ideal waist measurement sa babae ay 27 inches pababa at sa lalaki ay 35 inches pababa.

10.  Maganda ang pakikisama sa mga tao.

11.  Karamihan sa barkada mo ay conscious sa kanilang health. Ang eating habits nila at kabuuang lifestyle ay healthy.

12.  Umiinom ng 2 cups ng tsaa araw-araw. Kung hindi green tea ay black tea. Mayroon itong heart-healthy power dahil winawalis nito ang fats na humaharang sa daluyan ng dugo tungo sa puso.

13.  Hinding-hindi umiinom ng softdrinks.

14.   Ikaw ang naglilinis ng inyong bahay. Mga 300 calories ang natutunaw sa paggawa ng household chores. Nakatipid ka na sa pambayad sa katulong, pambayad ng kanyang SSS at gastos sa pagkain, naging healthy ka pa! Kung iipunin mo ang gastos sa katulong, makakaipon ka ng pangbakasyon sa abroad o pambili ng kotse. O, di ba, nakakasaya ng kalooban ang maraming savings.

15. Ikaw ay purple eater. Lagi kang kumakain ng natural purplish color foods: ube, purple cabbage, purple na kaimito, purple na camote, red wine, grapes, blueberries, sibuyas na pula or purple, lipute at duhat. Ang mga pagkaing ito ay mayaman sa polyphenols na pumipigil sa sakit sa puso at Alzheimer’s disease.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with