^

Punto Mo

Matandang Tinali (45)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PERO mas agresibo si Babes sapagkat agad sinakmal ang labi niya. Idiniin ni Babes ang paghalik na para bang nagmamadali. Nadama ni Dong ang malambot na labi ni Babes. Parang marshmallow ang labi nito. Mabango ang hininga ni Babes --- amoy hininga ng kasisilang na sanggol.

At dahil talaga namang tunay na lalaki siya, nagising iyon nang pagi-ging agresibo ni Babes. Hinamon ni Babes ang pagkalalaki niya kaya lumaban na rin siya.

Sinalubong na rin niya ang mapangahas na paghalik ni Babes. Ipinakita niya rito na kahit may-edad na siya ay marunong din naman siyang makipag-eskrima ng dila. Ang akala siguro ni Babes, porke at “matandang tinali” siya ay hindi na makakapanlaban. Nagkakamali si Babes.

Hinawakan pa ni Dong ang makinis na pisngi ni Babes para may puwersa ang paghalik niya rito. Idiniin pa niya ang paghalik at nakipaglaban ang kanyang dila sa dila ng estudyante.

Nagpapaubaya si Babes. Kahit siguro ano ang gawin ni Dong ay papayag ito. Pero maginoo si Dong. Ayaw niyang samantalahin ang pagkakataon.

At saka kung gagawin niya iyon, baka magkaroon ng problema. Baka may boyfriend na si Babes ay siya ang maging dahilan nang pagkasira ng relasyon. Sa ganda ni Babes ay imposibleng wala itong siyota. Bihira na sa mga babae ngayon ang walang karelasyon.

Pero bakit kaya si Babes na ang kusang nagbibigay ng sarili. Nung una, si Babes din ang unang humalik sa kanya at ngayon siya uli. Mapa-ngahas si Babes. Hindi kaya mahal siya ni Babes? Hindi kaya na-love at first sight sa kanya? Posible. Siguro’y dahil sa kabaitang ipinakita niya. Maraming babae ang nararahuyo sa mabait na lalaki.

Sabagay kung magkakagustuhan sila, okey na sa kanya. Matatapos na ang pagiging “matandang tinali” niya.

Hinalikan uli niya si Babes, mariin, matagal.

Saka sila naghiwalay. Hinabol ang paghinga.

“Sir Dong masarap kang humalik…’’

Nasiyahan si Dong at akmang hahalikan uli si Babes.

Pero naudlot nang big­lang may tumawag kay Dong.

“Sir Dong! Sir Dong!”

Naudlot sila pareho.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with