^

Punto Mo

Pizza sa Germany na may 111 na iba’t ibang klaseng keso, nagtala ng world record

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pizzeria sa Berlin, Germany ang gumawa ng pizza na may 111 iba’t ibang mga keso dahilan upang makapagtala sila ng bagong world record.

Sa dami ng keso sa ibabaw ng pizza ay iba’t iba rin ang nagiging lasa nito sa bawat kagat ayon sa isa sa hurado na ipinadala ng Guinness World Records upang suriin ang pizza.

Nakadagdag pa raw sa sarap ng pizza ang lutong nito at ang pantay na pagkakaluto sa tinapay.

Ang pizza, na binalutan ng mga kesong katulad ng mozzarella, roquefort, pecorino and emmental, ay mabilis naubos matapos sampolan ng mga judges.

Ayon sa isa sa mga kinatawan ng Guinness ay ngayon lang daw nagkaroon ng world record para sa pinakamaraming keso na nasa isang pizza.

May pizzeria raw kasi sa Oregon ang gumawa dati ng pizza na may 101 na keso ngunit hindi naman ito opisyal na nai-record kaya ang pizza mula sa Berlin ang kauna-unahang kinilala para sa pinakamaraming toppings na keso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with