^

Punto Mo

Pulikat: Matinding kirot ang dulot sa muscles

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

ANG mga atleta ang madalas makaranas ng pamumulikat habang naglalangoy o naglalaro ng basketball. Ito ay sapagkat masyadong pressure ang nailalagay sa mga muscles ng binti. Kahit tayo, paminsan-minsan, habang natutulog ay bigla na lamang nagigising at nakararamdam ng napipintong pamimigat o paninigas ng ating mga kalamnan sa binti.  Sa ilang saglit ay matindi na ang kirot habang naninigas ito. Inaabot ito ng ilang minuto. Pero kahit saglit lamang ang atake ng pulikat, ang muscle na nanigas ay nararamdaman nating masakit/makirot sa loob ng ilang oras o ilang araw.

Ang aking ina ay ayaw na ayaw na nakatutok ang electric fan sa dakong paa niya sapagkat posible siyang pulikatin kapag sobrang nalalamigan ang binti’t paa. Ang mga salesladies din na maghapong nakatayo sa department stores ay madalas ding makaranas ng pamumulikat.

Ang pulikat ay tinatawag ding “leg cramps.” Ang tinatamaan nito ay ang “calf muscles” sa binti. Ito kasi ang muscle na madalas nating ginagamit sa araw-araw. Paano ba nangyayari at pinupulikat tayo? Heto ang mga karaniwang sanhi:

• Matinding pag-eehersisyo o activities na masyadong physical

• Paulit-ulit na paggamit ng parehong muscle

• Pagtayo nang matagalan sa maghapon

• Pag-upo nang hindi wasto (nababaluktot nang di tama ang dakong binti’t paa)

• Masyadong nalamigan ang mga muscles ng binti

Siguro’y narinig na rin natin na isa sa karaniwang sanhi ng pagkalunod ay ang pamumulikat habang naglalangoy.  Ito’y maaaring sanhi ng paulit-ulit na movement ng mga paa o binti habang naglalangoy lalo na kung hindi naman sanay sa matinding pagkampay ang paa. Idagdag pa na nalalamigan ang muscle habang nakababad sa tubig. Sakaling dumating ang atake ng pulikat habang naglalangoy, huwag magpanik. Manatiling kalma. Piliting mag-float lamang sa tubig habang nagaganap ito. Kapag tapos na ang atake ng matinding pulikat, marahang ikampay ang mga paa hanggang sa makahingi ng tulong sa mga kasamahang naglalangoy din.

Sa mga naglalaro ng basketball ay karaniwan din ang atake ng pulikat. Matindi kasi ang pressure ng calf muscles habang nagba-basketball. 

Kung nagiging madalas naman ang atake ng pulikat, maiging magpa-blood test para sa level ng calcium sa dugo. Ang mababang level ng blood calcium (tinatawag na “hypocalcemia”) ang isa sa posibleng sanhi ng pamumulikat. Maipapayong kumain ng pagkaing mayaman sa calcium (keso, dilis, gatas, at iba pang dairy products). Puwede ring uminom ng vitamin supplement na calcium kung ‘yun nga ang sanhi ng pamumulikat.

Ano ang remedyo sa pamumulikat?

• Kung nararamdaman nang padating ang pamumulikat, iunat lamang ang apektadong binti (hindi nakabali sa tuhod), at piliting higitin ang dulo ng paa pataas (toes should be pointing upwards). Kung nakaupo, iunat din ang buong binti’t paa, at abutin ng kamay ang paa. Hatakin ang dulo ng paa (yung may mga daliri) papunta sa direksyon ng katawan (toes pointing upwards). Panatilihin ang ganung posisyon sa loob ng ilang minuto hangga’t may atake pa. 

• Kung natuloy ang matinding pulikat at naiwang nananakit ang mga kalamnan sa binti (calf muscles), maglagay ng hot compress sa naturang kalamnan. Puwedeng maglagay ng maligamgam na tubig sa isang bote, balutin ito ng tuwalya, at ipatong o pagulungin ito sa apektadong kalamnan.

• Puwede ring maligo ng maligamgam na tubig. Makatutulong ito sa nanakit na kalamnan.

• Puwedeng uminom ng pain reliever gaya ng paracetamol, ibuprofen, o mefenamic acid

• Uminom ng maraming tubig kapag mag-eehersisyo (kung tatakbo, maglalangoy, o magba-basketball) lalo na kung mainit ang panahon

• Kung mangyari ito sa mga bata, ipaunawa na karaniwang nangyayari ang pamumulikat at ito’y mawawala rin.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with