Matandang Tinali (41)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - March 14, 2018 - 12:00am

“HINDI ko matanda­an kung saan kita nakita. Pero parang ikaw yun,” sabi ng katiwalang si Boy.

“Baka hindi ako. M­arami akong kamukha.’’

“Pero kamukha mo talaga.’’

Umiwas na si Babes sa sinasabi ni Boy. Kunwari ay may hinahanap sa bag.

Nakahalata si Boy.

“O sige iiwan na kita rito, Babes. Bahala ka na rito.    Wala kang magiging problema rito.’’

“May CCTV ba rito?’’

“Meron pero nasa may gate at sa entrance lang.’’

“Wala rito sa fifth floor?”

“Wala.’’

Napatango na lang si Babes. Parang may halong ngiti sa labi nang tumingin kay Boy.

“Sige aalis na ako.’’
“Bye, salamat.’’

NANG mga sandali namang iyon ay nasa kanyang condo unit si Dong at nag-iisip kung uuwi sa Nagcarlan para bisitahin ang kanyang farm MATANDANG TINALI FARM – pero naisip na may bago nga pala siyang estudyante sa dorm na kailangan pang subaybayan. Isa pa, wala pang bayad ang estudyante dahil nadukutan daw. Problema ngayon kung paano makakabayad ang estud-yante sa isang buwan na pag-stay.

Hanggang sa maalala ni Dong na hinalikan siya sa labi ng estudyanteng si Babes. Gulat na gulat siya. Pero malambot ang lips ni Babes.

Nakahinga nang maluwag si Dong.

Ipinasya niyang magtungo sa dorm.

Naabutan niyang nasa opisina si Boy at may ginagawa.

“Nasaan si Babes?’’

“Nasa room niya Sir Dong. Bakit po?”

“Ha? A e wala! Wala!’’

(Itutuloy)

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with