Pinakamalaking hula hoop sa mundo, nagawang paikutin ng lalaki sa kanyang baywang
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - March 14, 2018 - 12:00am

NAGAWA ng street performer mula Tokyo, Japan na si Yuya Yamada na magtala ng bagong world record matapos niyang magawang paikutin sa kanyang baywang ang pinakamalaking hula hoop sa mundo.

Bagama’t tinaguriang “Hoop Man” dahil sa galing niya sa paghuhula-hoop ay hindi pa rin naging madali para kay Yuya na paikutin ang dambuhalang hula-hoop sa kanyang baywang.

Dahil sa laki ng hula hoop na aabot sa 16 talampa-kan at 10 pulgada ang diameter ay kinailangan ni Yuya na tumakbo sa loob ng hula hoop para lang mapanitili niya ang pag-ikot nito sa kanyang baywang.

Tagumpay naman si Yuya sa pagpapaikot ng napakalaking hula hoop ng tatlong beses sa kanyang baywang kaya nagawa niyang bawiin ang world record na dati na niyang naitala ilang taon na ang nakararaan.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with