Dagok sa PNP!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - March 14, 2018 - 12:00am

Isang malaking dagok sa hanay ng Philippine National Police (PNP) ang ginawang pagbasura ng Department of Justice (DOJ) sa kaso ng mga tinaguriang drug lord na sina Kerwin Espinosa, Peter Lim, Peter Co at iba pa.

Eh, sino ba naman ang hindi malulungkot sa pangyaya-ring ito, dahil sa kabila nga ng matinding operasyon na isi­nasagawa ng kapulisan laban sa ilegal drugs aba’y tila nababalewala.

Kakulangan ng ebidensya ang sinasabing dahilan ng National Prosecution Service ng DOJ kaya naibasura ang kaso.

Ito naman ang naging malaking palaisipan sa kapulisan, magkagayunman maghaharap sila ng motion for reconsideration upang iapela sa DOJ ang kaso.

Tiniyak ni PNP chief Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa na gagamitin ang lahat ng legal re-medies para mapanagot umano ang mga drug lord kasabay nga nang pag-apela sa kaso sa DOJ.

Ang nakakalungkot pa sa pangyayaring ito, hayagan na ang ginawang pag-amin ni Kerwin sa isinagawang pagdinig sa Senado na siya ang drug lord sa Eastern Visayas, kung saan si Co ang siya niyang supplier.

Sa panig ng pulisya, bagama’t ikinalulungkot nila ang pangyayari, itinuturing naman nila itong temporary setbacks sa kanilang laban sa ilegal na droga, at hindi umano sila titigil at ipagpapatuloy ang kaso.

Si Co ay kasalukuyang nakaditene sa Bilibid at kabilang sa binansagang ‘Bilibid 19’, na mga high profile inmates na sangkot sa illegal drugs activities sa loob ng piitan.

Bagama’t , inamin ni DOJ Secretary na hindi pa pinal ang desisyon dahil ire-review pa ito ng kanyang tanggapan, kahit papaano ay may epekto ito sa war on drugs ng pamahalaan.

Maraming katanungan ang publiko sa pangyayaring ito, na sana ay masagot sa mga susunod na araw.

Maaaring nakasalalay diin dito ang iba pang kaugnay na kaso na pwedeng maapektuhan ng nasabing desisyon ng mga prosecutors.

Kung ano ang susunod na kabanata rito , ito ang ating aantabayanan.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with