20 pruweba na ayos pa rin ang buhay mo
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - March 14, 2018 - 12:00am
  1. Nasisilayan mo pa rin ang pagsikat at paglubog ng araw.
  2. Nakatulog ka kagabi nang may laman ang tiyan.
  3. May pinamimilian ka pa ring damit na dapat isuot ngayong araw na ito.
  4. Wala kang sakit o kung may sakit ka ngayon, alam mong tiyak na gagaling ka pagkatapos mong uminom ng gamot.
  5. Ikaw ang inuutangan at hindi nangungutang.
  6. Sa sariling bahay mo ikaw natulog kagabi.
  7. Puwede kang kumain ng matatamis nang walang worries.
  8. May mga kaibigan ka at kapamilya na puwedeng pag-hingahan ng sama ng loob.
  9. May oras kang magpahinga pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho.
  10. Nagtatrabaho ka sa mga employer na makatao.
  11. Marunong kang magbasa at magsulat.
  12. May access ka sa internet.
  13. May mga taong nasasabik na makita ka.
  14. May access ka sa medical care.
  15. May access ka sa clear drinking water.
  16. Simple lang ang buhay mo pero kuntento ka kung anumang mayroon ka.
  17. May pinapangarap ka pa rin matupad at ito ay tinatrabaho mo sa kasalukuyan nang hindi nagmamadali.
  18. Wala kang car pero afford mo pa rin magtaksi.
  19. Marami pa ring mababait na tao sa iyong workplace at neighbourhood ninyo.
  20. May sobra ka pa ring pera para ibigay sa charity.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with