^

Punto Mo

Tandem criminals, namamayagpag na naman!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Eto ha, mangangalampag muna tayo sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) tungkol sa namamayagpag na namang mga riding in tandem criminals.

Aba’y nitong mga nakalipas na araw sunud-sunod na naman ang nangyayaring insidente ng pagpatay, pang-iisnatch at panghoholdap na ang sangkot ay mga tandem, partikular sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Biyernes ng hapon noong naraang linggo patay ang dalawang ginang na niratrat ng tandem sa Brgy. Lalakay sa Los Baños, Laguna.

Blangko pa ang pulisya sa motibo ng insidente.

Biyernes din ng ambusin ng pitong armadong kalalakihan ilan sa mga ito ay lulan ng motorsiklo ang sasakyan ng Brgy. ex-o na masuwerteng hindi napuruhan sa pananambang, gayunman nasawi sa insidente ang kanyang driver sa may Tondo, Manila.

Sa Tondo pa rin noong Sabado, patay sa tandem ang isang tricycle driver.

Kamakalawa muling sumalakay ang tandem criminals sa Caloocan at sa May­nila.

Talagang sunud-sunod ang mga krimen kinasasangkutan ng mga ito na kung hindi pagpaslang ang pakay, nandyan ang holdap at pang-aagaw o pang-iisnatch.

Walang oras na pinipili sa pagsalakay ang mga ito, mapa-gabi o mapa-araw kahit pa nga katanghaliang tapat.

Armado ng matataas na kalibre ng baril na ang ilan kumakasa pa nga sa tumutugis sa kanilang mga tauhan ng pulisya.

Pero ang masaklap dito, madalas na nalulusutan ang ating mga kapulisan ng mga tandem na ito.

Marami na naman ang natatakot sa operasyon ng mga kriminal na tandem, kaya nga kakalampagin natin ang PNP ukol dito.

Baka na naman napagwawalang bahala na naman ang tandem criminals na baka pagnaglaon ay magbigay ng lalong sakit ng ulo sa kapulisan, at perwisyo sa ating mga kababayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with