^

Punto Mo

Ang P10,000 na bigla na lang nawala

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG hapon iyon ng Linggo. Matapos mag-grocery ay saka ko naisip na kulang na ang pera ko para pambayad sa dalawang bills na overdue na. Naghanap ako ng ATM sa mall na kinaroroonan ko. ATM ng limang iba’t ibang banko ang nakahanay sa isang sulok. Sa ATM ng aking banko ako nag-withdraw. Nag-check muna ako ng account balance at saka nag-request ng withdrawal. Sumagot ang ATM na hindi ito makakapag-dispense ng pera.

Lumipat ako sa katabing ATM. Muli akong nag-check ng account balance. Tapos saka ko pinindot ang amount na P10,000 para i-withdraw. Positive ang transaction pero sa bandang huli ay walang lumabas na pera. Maya-maya ay lumabas ang transaction receipt na ang nakasulat ay “walang na-dispense na bills”.

Para makaseguro, muli akong nag-check ng account balance. Gusto kong matumba nang makita kong nabawasan ang aking pera ng P10,000. ‘Yung hindi nailuwang pera ng ATM ay binawas sa aking account. Ang bigat ng aking kalooban maghapon. Hindi ako makatulog.

Kinabukasan, personal akong pumunta sa aking banko at sa ikalawang banko na ang ATM ay nagkaroon ng system glitch yata ang tawag doon. Kinuha ng dalawang banko ang transaction receipts at ako ay pinabalik pagkaraan ng tatlong araw. Sa sobrang pag-aalala ko sa aking pera na baka hindi na maibalik, gumigising ako ng alas-tres ng madaling araw para manalangin. Mabuting magdasal sa ganoong oras dahil napakatahimik ng paligid. Sa sobrang taimtim ng aking pagdadasal ay napapaluha pa ako. Sino kaya ang hindi mapapaiyak sa nangyari?

Pagdating ng ikatlong araw ng aking pagdurusa, masayang ibinalita ng banko na naisauli na sa aking account ang perang nawala. Napatunayan nila na wala talagang lumabas na pera sa particular transaction na ginawa ko. Malaking tulong din ‘yung nakasulat na “walang na-dispense na bills” sa transaction record. At higit sa lahat, mabuti na lang at parehong accommodating ang mga empleyado ng dalawang banko na nilapitan ko. Ang leksiyon na natutuhan ko, sa ATM na lang ng aking banko ako magwi-withdraw lagi. Mangungutang na lang ako kapag hindi ako maka-withdraw. Napatunayan kong muli na ang panalangin ang “greatest weapon” sa lahat ng sandali.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with