^

Punto Mo

Matandang Tinali (24)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SARAP na sarap sa pagtulog si Dong sa sahig ng kubo. Preskong-presko ang pakiramdam niya. Parang idinuduyan siya habang nakahiga sa sahig na kawayan. Sa butas ng sahig nagdadaan ang preskong hangin kaya sarap na sarap siya sa pagtulog.

Nang biglang maalimpungatan si Dong nang may tumawag sa kanya. Hindi muna sumagot si Dong sa tumatawag sa kanya. Pakiwari kasi niya, nananaginip siya. Hindi rin niya mahagilap sa isip kung gabi o araw.

Pero nang sunud-sunod ang pagtawag sa kanya, nanumbalik ang diwa niya. Hindi siya nananaginip. Totoong may tumatawag sa kanya.

Bigla siyang bumangon at sumilip sa bintana. Si Manong Naldo pala ang tumatawag!

“Manong Naldo! Bakit po?”

“Naabala ko yata ang pagtulog mo Dong.”

“Hindi po. Talagang baba­ngon na ako nang tumawag ka. Halika po rito sa taas.”

Umakyat si Manong Naldo.

“Maupo ka Manong.’’

Naupo sa silyang kawayan si Manong Naldo.

“Ano po ang kailangan mo, Manong?’’

“Tungkol dun sa ilalagay mong pangalan ng farm sa gate. Di ba nilagyan ko na ng dalawang haligi, at nilagyan ko na rin ng arko, ano bang balak mong ilagay na pangalan dun?’’

“Ah, gusto ko sana e tarpaulin. Ididikit yung tarpaulin dun sa arko. Pero kung meron kang isa-suggest, Manong e okey sa akin.’’

“Naisip ko, yung pangalan e uukitin ko sa kahoy – puwede sa dapdap o kaya ay sa santol. Marunong akong umukit Dong.’’

“Wow! Sige Manong. Gusto ko rin yun.’’

“Hindi mo kasi naitatanong e marunong akong gumawa ng mga inukit na morion masks. Dapdap ang ginagawa ko. Malambot kasi yun.’’

“Ah oo. E sa Marinduue ang morion di ba Manong?’’

“Oo. Taga-Marinduque ako, Dong.”

“Kaya pala. Sige Manong, ukitin mo na ang pangalan ng farm.”

“Anong pangalan ang ilalagay ko, Dong?”

“Matandang Tinali Farm.”

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with