^

Punto Mo

Lalaki sa India, tinungga ang isang bote ng ketchup para sa world record

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa India na marami nang naitalang world record ang nagdagdag pa ng isa nang tunggain niya ang isang buong bote ng ketchup.

Kinailangan ubusin ng taga-Mumbai na si Dinesh Shivnath Upadhyaya ang  95% ng kabuuang laman ng isang bote ng ketchup sa napakaikling oras upang madagdagan pa ang listahan ng kanyang mga world record.

Tagumpay naman si Upadhyaya matapos niyang magawang ubusin ang laman ng isang 14 ounce na bote ng ketchup gamit ang straw  sa loob lamang ng 25.37 segundo.

Umabot na kaagad sa higit 300,000 views ang video ni Upadhyaya habang tumutungga siya ng ketchup matapos niyang i-upload ito nito lamang February 9.

Ilan lang sa mga world record na naitala ni Upadhyaya ang pinakamaraming ubas na nakain sa loob ng tatlong minuto at pinakamaraming oranges na nabalatan at nakain sa loob ng tatlong minuto.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with