^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag kalimutan pagkakaisa sa EDSA

Pang-masa

NGAYON ang ika-32 anibersaryo ng EDSA revolution. Makasaysayang rebolusyon na walang pumatak na dugo. Nakilala sa rebolusyong ito ang mga Pilipino na sa pamamagitan nang pagkakaisa ay napatalsik sa puwesto ang diktador.

Dalawampung taon sa puwesto si Pres. Ferdinand Marcos. Marami siyang sinikil na karapatan mula nang ideklara ang martial law. Maraming ikinulong at tinortyur. Maraming pinatay ang kanyang mga sundalo na ang mga bangkay ay hindi na natagpuan. May mga itinapon sa talahiban, ilog at sapa.

Isang aral na nakuha sa EDSA ay ang katotohanan na maaaring patalsikin kung gusustuhin ng mamamayan ang lider na nagmalabis sa kapangyarihan. Sa pamamagitan ng pagsasama-sama, kayang wasakin ang konkretong trono. Puwedeng palayasin ang nagmamalabis na lider sa pamamagitan ng pagkakapit-bisig.

Nabahag ang buntot ni Marcos nang makitang hindi natinag at natakot ang mga taong dumagsa sa EDSA. Walang umatras kahit sasagasaan ng tangke. Isang patunay na walang mas makapangyarihan sa pagsasama-sama ng mga tao. Ito ang pinakamatibay na kalasag laban sa nagmamalabis na pinuno at wala nang iba pa.

Dahil sa ipinakitang ito, marami na ring mamamayan sa ibang bansa ang ginaya ang people power at nagtagumpay rin sila sa pagpapatalsik sa kanilang pinuno.

Huwag kalilimutan ang ipinakitang pagkakaisa sa EDSA. Alalahanin ito bawat taon sapagkat ito ang magpapalakas sa diwa ng bawat isa sakali’t may mga lider ng bansa na umabuso muli sa kapangyarihan. Ang alaala ng EDSA ang magpapatibay sa bawat isa para muling labanan ang mga magmamalabis na pinuno. Sa pag-alaala sa EDSA, mahahadlangan ang mga lider na magsasamantala sa Inang bayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with