^

Punto Mo

Matandang Tinali (23)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAISIP ni Dong, mabuti na lamang at sa kanya naialok ni Jun ang farm na ito. Kung tinanggihan niya, malaki ang pagsisisi niya. Ngayon lamang niya lubusang nadarama ang sarap na mayroong pahingahan sa probinsiya. Kapag nagsawa sa mainit at polluted na Metro Manila, mayroong tatakbuhan. Mabuti na lamang at nabili niya ito. Malaki ang dapat niyang ipagpasalamat kay Jun. Bukod sa mura na niyang nabili ang farm ay mayroon pa siyang magandang paliguan na napakalinaw at napakalinis ng tubig. Gustung-gusto niyang maligo sa sapa. Ito lamang ang kanyang libangan habang narito sa farm. Hindi siya nagsasawa sa pagbababad sa sapa. At nga-yong papalapit na ang summer, tiyak na mas masarap maligo.

Muli, nagtungo si Dong sa sapa para maligo. Naka-shorts na lang siya. Pagdating sa sapa ay agad siyang dumayb. Lampas tao ang lalim kaya swak na swak sa pagdayb.

Ang sarap ng pakiramdam niya. Nawala ang nararamdaman niyang alinsangan. Muli siyang lumangoy sa ilalim. Sa sobrang linaw, nakikita niya ang mga maliliit na isda. Paikut-ikot sa kanya ang mga isda na hindi niya alam ang pangalan.

Nang magsawa sa pagsisid at paglangoy, umahon siya. Mula sa pampang na kinatatayuan ay natanaw niya ang kubo sa kabilang farm. Walang tao. Sabi ni Manong Naldo, ang katiwala lamang ang dumarating pero madalang pa sa patak ng ulan. Babae raw ang may-ari ng farm pero hindi pa dumadalaw.

Marami ring tanim ang farm. Ang karugtong ng sapa ay tumatawid din sa farm ng babae.

Nang gininaw ay nagbalik na sa kubo si Dong. Nagbihis at humilata sa sahig.

Hanggang maidlip na naman siya. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with