^

Punto Mo

Pinakamalaking pizza sa mundo na puwedeng ipa-deliver, ginawa ng restaurant sa Michigan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pizzeria o restaurant na naghahain ng pizza sa Michigan ang nakapagtala ng bagong world record matapos nitong lutuin ang sinasabing pinakamalaking pizza sa buong mundo na maaring ipa-deliver.

Pinangunahan ng mismong may-ari ng Mallie’s Sports Grill & Bar na si Steve Mallie ang pagluluto sa dambuhalang pizza, na ginamitan ng batya-batyang mga sangkap.

Niluto ang pizza sa oven kung saan din nila niluto ang sinasabing pinakamalaking hamburger sa mundo noon lamang isang taon.

Umabot sa 100 pounds ang bigat ng pizza samantalang 72 pulgada naman ang lapad nito. Nahigitan nito ang dating pinakamalaking pizza sa buong mundo na puwedeng ipa-deliver, na aabot lamang sa 54 pulgada ang lapad.

Nagpasya si Mallie na gawing 72 pulgada ang pizza dahil iyon na daw ang pinakamalaking sukat ng pizza na maari pang ipasok sa mga bahay at gusali na may dobleng pinto.

Ipinamigay ng pizzeria ang kanilang nilikhang world record breaking na pizza sa mga bumbero sa kanilang lugar.

Maari namang matikman ng publiko ang dambuhalang pizza ng Mallie’s. Kailangan nga lang nilang maglabas ng malaking halaga dahil may kamahalan ang kanilang pizza na may presyong $300 o katumbas ng higit P15,600.

Libre naman daw ang delivery charge basta’t hindi lalayo ng higit limang milya ang paghahatiran ng pizza, ayon kay Mallie.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with