^

Punto Mo

Menor de edad gamit na gamit ng drug syndicates

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Gamit na gamit pa rin hanggang sa ngayon ng sindikato sa droga ang mga menor de edad na siyang pinakikilos nila sa pagpapakalat ng illegal drugs.

Kung dati ang ipinagkakatiwala ng grupo ng sindikato sa mga minor ay maliliit lamang na gramo, pero ngayon ipinagkakatiwala sa mga kabataan o menor de edad ang bulto ng droga.

Kung baga malakihang bentahan na ang naipapakalat ng mga ito.

Gaya na lamang sa isinagawang operasyon ng Northern Police District kung saan limang tinedyer, tatlo rito ang menor de edad ang nasamsaman ng may P1.5 milyong halaga ng shabu.

Ang mga kabataang ito ang siyang naglalako o nagdedeliber sa iba pang ‘tulak’ ng droga sa lugar ng CAMANAVA area.

Hindi nga ba’t sa ulat noon ng PDEA, kumpirmadong gamit na gamit ang mga kabataan o menor de edad sa operasyon ng droga.

Ang iba nga ginagastusan pa raw ng sindikato at pinag-eenrol sa mga paaralan para lamang maipasok ang kanilang operasyon sa mga estudyante.

Nabulabog daw kasi ng husto ang ilan sa mga bigtime na ‘tulak’ kaya ngayon naghahanap ng ibang market ang mga ito na hindi gaanong napupuna sa labas.

Kaya naman payo ng mga kinauukulan maging mapagmasid ang publiko, maging ang mga school officials na mabantayan ang mga mag-aaral na posibleng target  ng sindikato.

Malaking bagay din ang pakikipagtulungan ng publiko na maiulat o makapagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad sa kanila sa nalalamang mga transaksyon ng illegal drugs.

Bukod sa mga kabataan, tinututukan din ng mga awtoridad ang bentahan ng illegal drugs online.

Hi-tech na hi-tech na umano ang sindikato dahil nga sa nangongonti na ang kanilang mga galamay sa lansangan o sa labas dahil sa pinatinding drug war  mula nang maupo si Pangulong Digong.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with