^

Punto Mo

Sino si Andrew Cunanan?(Part 3)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

… ang katotohanan tungkol sa pagkakasangkot ng half Filipino na ito sa assassination ng Italian fashion designer na si Gianni Versace.

DISCIPLINARIAN ang ama ni Andrew pero hindi bayolente sa mga anak. Ang isang sinilip ng mga psychologist ay kung paano tratuhin si Andrew ng kanyang pamilya na maaaring dahilan para siya maging killer. Pero wala siyang masamang karanasan sa kanyang mga magulang. Kung tutuusin, ang bunsong si Andrew ang paborito ng kanyang ama’t ina. Siya lang sa magkakapatid ang pinag-aral sa mamahaling private school dahil kinakitaan ito ng kakaibang talino. Sa edad na sampu ay memorize nito ang buong set ng encyclopedia. Mga 19 years old siya nang mabulgar sa kanyang pamilya na siya ay bakla.

Noong 1987 ay nag-aral siya sa University of California San Diego pero tumigil siya sa pag-aaral pagkaraan ng dalawang taon. Lumayas siya sa kanilang tahanan at namuhay mag-isa sa San Francisco. Lagi siyang makikitang naglalagi sa Castro district, isang komunidad at tambayan ng mga bakla. Dito niya nakilala ang mayayaman at matatandang bakla ng California.

Gamit ang charm at talino (nakakapagsalita siya ng 7 wika), marami siyang naging kaibigan o karelasyong mayayaman kaya nagawa niyang mabuhay sa luho. Ngunit bumagsak ang daigdig niya nang nakipaghiwalay sa kanya isa-isa ang matatanda at mayayaman niyang lovers. Nagkaroon siya ng depresyon dahil sumemplang pababa ang kanyang lifestyle. Nagkaroon ito ng malaking epekto sa kanyang mental health. May paniwala siya na ang kahalagahan niya bilang tao ay nakaangkla sa dami ng materyal na pag-aari niya.

Ang una niyang biktima ay si Jeff, ang hinihinala niyang third wheel na naging dahilan para siya hiwalayan ng kanyang former lover na nagngangalang David. Pinatay niya ito sa harapan ni David. Ang ikalawa niyang biktima ay mismong si David, ang lalaking minahal niya nang todo. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with