^

Punto Mo

EDITORYAL - Labor officials na nagpabaya kay Joanna, parusahan

Pang-masa
EDITORYAL - Labor officials na nagpabaya kay Joanna, parusahan

NI-RECALL na ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang dalawa pang labor officials sa Kuwait na nagpabaya sa kalagayan ng pinatay na domestic helper na si Joanna Demafelis. Ayon kay Bello, ni-recall na niya si labor attaché to Kuwait Alejandro Padaen at si assistant labor attaché Lily Pearl Guerrero. Noong nakaraang linggo, ni-recall niya si Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) welfare officer Sarah Concepcion.

Ayon kay Bello, nagpabaya sina Padaen at Guerrero sa kalagayan ni Joanna. Hindi umano gumawa ng hakbang ang mga ito para hanapin si Joanna na inire-report na nawala noong 2017. Wala man lang pagsusumikap ang dalawa sa kabila na nireport na sa kanila ng kapatid ni Joanna na si Jessica ang pagkawala nito.

Mas mabigat naman ang kinakaharap ng OWWA officer na si Concepcion sapagkat ito umano ang nakausap ni Jessica, kapatid ni Joanna, nang tawagan para ireport ang pagkawala nito. Pero hindi umano sila inintindi ni Concepcion at sa halip, sinabi pang marami umano silang kaso na pinagkakaabalahan at iyon ang dapat unahin. Sabi ni Jessica, hindi na nila nakausap mula noon ang welfare officer. Wala umano silang magawa kung paano matatagpuan ang kapatid. Ayon kay Jessica, 2014 pa nagtungo sa Kuwait ang kapatid na si Joanna. Legal umano ang pagkakapunta nito sa Kuwait. Tatlong beses lang umano nilang nakausap si Joanna sapagkat pinagbabawalan itong gumamit ng cell phone ng mga amo nito. Isang Lebanese ang amo nitong lalaki samantalang Syrian ang among babae.

Hanggang sa mabalitaan nila na natagpuan ang bangkay ni Joanna sa isang freezer sa abandonadong apartment. Tumakas na ang mga amo nito. Bali ang tadyang at maraming saksak sa katawan si Joanna. Naiuwi na ang bangkay nito noong nakaraang linggo. Hinimatay si Jessica nang makita ang kabaong ng kapatid. Masaklap ang pagkikita nila sa NAIA sapagkat bangkay na si Joanna.

Hustisya ang hiling ng kaanak ni Joanna. Hulihin at parusahan  ang mga pumatay. Parusahan din ang mga labor at OWWA officials na nagpabaya sa tungkulin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with