Paano kung mapili sa pagkain ang anak?
DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D (Pang-masa) - February 18, 2018 - 12:00am

MAY mga taong hanggang ngayon ay mapili sa pagkain. May ilang kakilala akong ayaw kumain ng gulay. Yung iba, hindi magustuhan ang lasa ng atay. May mga taong ayaw kumain ng lamanloob gaya ng bopis, dinuguan, o papaitan. Bukod ang kaso ng mga vegetarians na talagang choice nilang gulay lamang ang kainin for health reasons.

Pero maaaring ang lahat ng ito ay nag-uugat mula sa pagiging “picky eaters” noong tayo’y bata pa. Kung paisa-isa lang ang hindi kinakain, hindi pa maituturing na picky eater ang bata. Pero kung maraming pagkain ang kanyang tinatanggihan, masasabi na nating masyado nang mapili sa pagkain ang bata.

Normal naman sa maraming bata ang ayaw kumain ng maaanghang at mapapait na pagkain. Kaya nga ‘yung ampalaya, hindi ma-appeal sa kanila. Inaayawan din ng iba ang pagkain dahil sa taglay nitong kulay (walang pang-akit sa kaniya ang kulay ng nakahaing pagkain) o kung sadyang mahirap itong nguyain, maaaring matigas ito o makunat. Sa kabuuan, hindi type ng mga bata ang pagkaing half-cooked o yung malutong pa.

Ano ang puwedeng maging solusyon sa mga batang maituturing na picky eaters?

1. Kung ayaw kumain ng gulay, palitan na lamang ito ng prutas. Maraming bata ang hindi mahilig sa gulay sapagkat medyo matabang ito o kulang sa lasa at kailangan pang dagdagan ng sawsawan para maging malasa. Okay lamang ito. Tandaan na ang gulay at prutas ay parehong “fiber” ang klasipikasyon sa mga food groups. Kalaunan, unti-unting patikimin sila ng gulay na tiyaking masarap ang pagkakaluto. 

2. Huwag munang ipilit sa kanila ang pagkaing medyo naduduwal sila. Kapag ipinagpilitan natin dahil gusto natin silang madisiplina, baka magkaroon sila ng di magandang karanasan sa pagkain.

3. May mga pagkaing natututuhan nating kainin kapag paulit-ulit nating nakikita sa hapag-kainan. Kung sa una’y parang ayaw nila, kung titikman ito nang paunti-unti, kalaunan ay magugustuhan na rin ito ng kanilang panlasa. Acquired taste ang tawag dito. Ayon sa mga eksperto, kailangan daw ng 10 beses na nakikita ng bata na kinakain ng mga kasama niya ang isang naturang pagkain bago niya ito subukang kainin. Kailangan din daw ng mga 10 beses na pagtatangkang kainin ang isang bagong pagkain bago niya ito magustuhan.  Huwag ipilit ang naturang pagkain. Paulit-ulit lamang itong ihanda sa hapag. Kalaunan, maaaring maengganyo siyang subukan na rin ang pagkain. 

4. Huwag ipagpilitang kainin ang lahat ng nakahain sa hapag. Igalang ang kaniyang choice. Pero kung susubukan niya kahit isang subo lamang ang pagkaing inaayawan niya,

5. Huwag gawing bribe ang pagkain sa mga fastfood resto o kaya’y gawing insentibo ang pagbili ng ilang bagay na gusto ng bata para lamang kainin nito ang klase ng pagkaing gusto mong kainin niya. Tandaan na kumakain sila para masiyahan ang kanilang panlasa; hindi para i-please tayo.

6. Okay lamang na magalang na tanggihan ng bata ang isang partikular na pagkain pero huwag hahayaang itulak o tabigin ito. Itanim sa isip nila na dapat iginagalang ang mga pagkain.  

7. Gawing masayang karanasan ang oras ng pagkain. Huwag sasabayan ng sermon o paninisi ang ganitong mga sandali.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with